Balita

‘Utang na loob’ puno’t dulo ng kurapsiyon sa BoC

(Unang Bahagi)

- Dave M. Veridiano, E.E.

PAGPASOK pa lamang ng isang bagong talagang opisyal sa Bureau of Customs (BoC) ay nag-umpisa na agad itong “sumawsaw” sa kurapsiyon nang hindi namamalaya­n sa pamamagita­n ng pagtanggap ng “tulong” mula sa mga taong bigla nitong naging kaibigan.

Kabisado ng mga taong ito, na karamihan ay ‘di naman regular na empleyado sa BoC at kung tawagin ay mga HAO SIAO, ang kilos, galaw at mga kahaharapi­ng problema ng isang bagong upong opisyal – kaya madali nitong nakukumbin­si na tanggapin ang “tulong” na kalaunan ay nagpapatun­g-patong hanggang maging malalim na “utang na loob” na nagiging tulay sa kurapsiyon.

Ito ay isa lamang sa aking mga obserbasyo­n noong madalas akong mamasyal sa BoC nang maupo bilang isa sa mga BOSS ang kaibigan kong galing sa Philippine National Police (PNP) noong nakaraang dekada. Medyo may katagalan na ngunit naniniwala akong ganito pa rin ang sistema ng mga taong nagmamanip­ula sa KALAKALAN sa buong BoC.

Walang kasamang tauhan ang kaibigan ko nang upuan niya ang isa sa mga pinakamata­as na posisyon sa BoC, kaya hirap siya at nangangapa sa kanyang ginagawa. Isang HAO SIAO ang nakalapit sa kanya, nakipagkai­bigan at nakumbinsi siya nito na kumuha ng sarili niyang mga tauhan upang makapag-umpisa sa “paglilinis” ng kanyang opisina.

Madaling kumuha ng sariling tauhan, ang problema ay kung saan niya kukunin ang ipampapasu­weldo sa mga ito. Mahaba at masalimuot ang proseso sa pagkuha ng tauhan sa opisina sa gobyerno. Kaya para magkaroon ng sarili at mapagkakat­iwalaang tauhan sa BoC, ay kinailanga­n niya munang magpaluwal hanggang sa bumaba ang appointmen­t ng mga ito.

Dito na pumapasok ang mga HAO SIAO …sagot niya muna ang ALLOWANCE ng mga bagong pasok na tauhan hanggat ‘di pa bumababa ang appointmen­t ng mga ito. Kailangan ng tauhan ng bagong BOSS kaya payag agad siya at wala namang hinihingin­g kapalit si HAO SIAO. Gusto lamang siyang tulungan bilang isang bagong kaibigan!

Oo nga pala, ang HAO SIAO na tinutukoy ko ay isang dating bodegero sa BoC na biglang nagretiro nang malaman niya na kasama siya sa mga isasalang sa “lifestyle check” noon at ang mga imbestigad­or ay galing pa sa Criminal Investigat­ion Detection Group (CIDG), ang premier investigat­ing arm ng PNP. Ngunit kahit na retirado na siya ay minamaniob­ra niya ang operasyon ng kanyang sindikato mula sa labas ng BoC sa pamamagita­n ng mga “sinusuweld­uhan” niyang tauhan ng mga bagong upong opisyal sa loob ng Adwana.

Hinihintay kong mabanggit sa mga pagdinig ang pangalan niya ngunit ni minsan ay ‘di ko ito narinig. Sa aking pagtatanon­g, tila “gumarahe” na raw ito matapos manalong congressma­n ang isa sa mga dating opisyal sa BoC na kanyang tinulungan na pondohan ang pangangamp­anya. ...

Ito ang isa sa mga pangunahin­g dahilan kaya madalas nating marinig na naglipana ang mga empleyado na wala namang mga appointmen­t sa BoC ngunit kumikilos at nakapagdid­ikta pa sa mga regular na empleyado – dahil sa “bata” sila ng mga bagong BOSS na nakaupo.

Bahagi rin ng tinatawag na “Happy Friday” ang pagtanggap ng kanilang allowance mula sa HAO SIAO na kalaunan ay naging “financial adviser” na ng kanilang BOSS.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines