Balita

‘Comite de abswelto’

- Ric Valmonte

INIHABLA ni Sen. Richard Gordon si Sen. Antonio Trillanes sa Senate Ethics Committee. Inireklamo rin ni dating Bureau of Customs (BoC) Commission­er Faeldon si Sen Trillanes sa nasabing komite. Idenemanda naman ni Faeldon si Sen. Lacson. Samantalan­g nagsampa naman ng kaso si Sen. Lacson laban kay Faeldon sa Office of the Ombudsman.

Ang mga demandahan­g ito ay bunga ng imbestigas­yon ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa P6.4-billion shabu na naipuslit sa BoC. Sina Trillanes at Lacson ay kasapi ng Blue Ribbon Committee na pinamumunu­an ni Gordon. Nagugat ang reklamo ni Gordon laban kay Trillanes nang ayaw ipatawag ni Gordon sa pagdinig sina Vice Mayor Paolo Duterte ng Davao City at Atty. Mans Carpio. Si Paolo ay anak ni Pangulong Duterte, samantalan­g si Carpio ay kanyang manugang na asawa ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte ng Davao.

Walang dahilan, ayon kay Gordon, na ipatawag niya sina Paolo at Carpio dahil wala naman umanong naipakitan­g ebidensiya si Trillanes na sangkot ang dalawa sa pagpuslit ng kontraband­o. Pero, ganito ba kahigpit ang rekisito sa pag-imbita ng resource person sa pagdinig ng Senado gayong napakarami ko nang nasaksihan­g pagdinig sa Senado na mabanggit lang ang pangalan ay iniimbitah­an na agad ito ng komite? Kaya, tinawag ni Trillanes na “comite de abswelto” ang Blue Ribbon Committee ni Gordon na ikinagalit nito na naging dahilan ng kanyang ethics complaint laban kay Trillanes.

Ilalabas na raw ang Senate Blue Ribbon Committee report tungkol sa siniyasat nitong P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa BoC at natunton sa isang bodega sa Valenzuela. Kung si Trillanes ang tatanungin, absuwelto na sina Paolo Duterte at Mans Carpio. Samantalan­g malaki ang kaugnayan ng dalawa kung tutuntunin mo ang direksiyon ng pagtatanon­g ni Trillanes sa kanila at pagpiprisi­nta ng kanilang bank account na umano’y naglalaman ng milyun-milyong piso at ng mga larawan ni Paolo Duterte kasama ang mga kilalang sangkot sa droga. At ang hindi pinabulaan­ang akusasyon ni Trillanes kay Paolo na siya ay miyembro ng China Triad Syndicate na isa sa mga ilegal na gawain nito ay magkalat ng droga sa mga bansa. Ang ebidensiya, ayon kay Trillanes, ay ang tattoo na nasa likod ni Paolo. Na kay Paolo para pabulaanan ito kung ipinakita lamang niya ang tattoo, ngunit pinili niyang ikubli ito.

Pagkatapos ng pagdinig at kapanayami­n ng media si Gordon, sinabi nito na walang nailabas na ebidensiya si Trillanes laban kina Duterte at Carpio pagkatapos nitong pagbigyan na ipatawag ang dalawa. Sa totoo lang, napakahira­p sanggahin ang opinyong publiko na ipatawag ang dalawa, kaya si Pangulong Duterte mismo ang nagpayo sa dalawa na...

dumalo sa pagdinig. Masasalung­at pa ba ito ni Gordon? Ginulo at nilambunga­n ng mga demandahan, sa pagitan ng mga senador at ni Faeldon, ang ginawi ni Gordon at ang layunin ng kanyang komite na ihayag ang utak ng P6.4-billion shabu shipment. May batayan na nga na gawin niya ang kanyang komite na “comite de abswelto” ng talagang dapat managot dito maliban sa level ni Faeldon. Napakahira­p pang tanggapin ang war on drugs ng Pangulo kung hindi naman matuldukan ang pagpasok ng droga sa bansa na ang point of entry ay ang mga pantalan at paliparan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines