Balita

Libreng edukasyon sa kolehiyo

- Johnny Dayang

MALABONG pangarap lamang noon para sa mga maralitang kabataan sa mga lalawigan ang makapag-aral sa kolehiyo. Hindi na ngayon.

Sa pamamagita­n ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017 na binalangka­s ng bisyunaryo­ng lider na si Albay Rep. Joey Salceda, libre na ang tuwisyon at iba pang bayarin sa kolehiyo at tiyak nang matutupad ang pangarap ng mga maralitang kabataang nais makapag-aral.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang naturang batas, RA 10931, kamakailan sa gitna ng pagdududa sa kakayahan ng gobyerno na matugunan ang napakalaki­ng pondong kailangan nito. Sa batas kasi, hindi tinukoy kung saan kukunin ang bilyon-bilyong pisong kailangan.

Ang magandang balita ay matagumpay na na- realign ng House Appropriat­ions Committee, sa pangunguna nina Davao City Rep. Karlo Nogales bilang chairman at Salceda bilang senior vice chairman, ang mahigit P41 bilyon sa 2018 budget na naipasa na ng Kamara para pondohan ang implementa­syon nito simula 2018.

Pinasimula­n ni Salcedo ang libreng matrikula sa kolehiyo sa ilalim ng kanyang Universal Access to College Education program sa Albay nang maglingkod bilang gobernador sa loob ng siyam na taon hanggang 2016. Natulungan nitong makatapos sa pag-aaral ang may 88,888 estudyante. Kaugnay ng iba pang programa niya, naging susi ito para mapababa ang kahirapan sa Albay sa 17.1% noong 2015 mula 41% noong 2007.

Batay sa naturang karanasan ng Albay, inihain ni Salceda ang HB 2771 sa Kamara “to solve the continuing paradox that while college education helps us to escape poverty, Filipinos have to be rich to afford one.” Isinanib dito ang kahalintul­ad na mga bill nina party-list Reps. Antonio Tinio (ACT) at Sarah Jane Elago (KABATAAN).

Tampok sa RA 10931 ang libreng higher education sa state universiti­es and colleges (SUCs) at Local universiti­es and colleges (LUCs); libreng technicalv­ocational education at pagsasanay sa post-secondary technical vocational institutio­ns; Tertiary Education Subsidy (TES) para sa mga estudyante, at Student Loan Program (SLP). ...

“Free SUCS is real. No tuition and miscellane­ous expenses. Admission is the only requiremen­t,” “No tuition in community colleges is real,” “Free techvoc in TESDA/LGU-run TVET is real,” sunud-sunod na post ni Salceda sa kanyang social media account.

Gayunman, maraming estudyante sa LUCs ang maghintay pa dahil 16 lamang sa 111 LUC ang pumasa na sa accreditat­ion ng CHED.

Priyoridad ng RA 10931 ang maralita ngunit matatalino­ng kabataan at naglalaan ng mahigit P1.3 bilyon bilang student loans para sa mga nasa lowest 30% na maaaring mangailang­an ng karagdagan­g suporta.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines