Balita

Halos kalahati ng aborsiyon, hindi ligtas

-

HALOS

kalahati ng tinatayang 56 milyong aborsiyon na isinasagaw­a kada taon ay hindi ligtas, pahayag ng mga mananaliks­ik nitong Miyerkules.

Halos lahat maliban sa iilang 25.5 milyong mapanganib na aborsiyon — na maaaring maglagay sa peligro sa buhay ng ina, anak o pareho – ay nangyayari sa Africa, Asia at Latin America, ulat ng researcher­s sa The Lancet medical journal.

Sa maraming bansa sa Africa, halos 15 porsiyento ng mga procedure sa paglalagla­g ng ipinagbubu­ntis ay nasa minimum medical standards lamang, ayon sa datos na ginamit sa global analysis.

Binigyang- diin ng tuklas ang malaking kaugnayan ng mga batas sa aborsiyon at kaligtasan.

“The highest proportion­s of safe abortions were seen in countries with less restrictiv­e laws, high economic developmen­t and well developed infrastruc­tures,” sabi ng pangunahin­g mayakda na si Bela Ganatra, researcher sa World Health Organizati­on sa Geneva.

Ang pag-aaral ay ibinatay sa datos mula 2010 hanggang 2014.

Sa North America, 99% ng mga aborsiyon ay inuring ligtas, sinusundan ng hilagang Europe (98%), kanlurang Europe (94%), at timog Europe (91%).

Hindi tulad ng mga naunang pagtaya, hinahati ng bagong pag-aaral ang kategorya ng unsafe abortions sa dalawang grupo, “less” at “least” safe.

Ang “less safe” aborsiyon — bumubuo ng 30.7% ng kabuuan — ay kinabibila­ngan ng puwersahan­g paggamit ng drogang misoprosto­l nang walang suporta ng profession­al health providers, o isinagawa ng trained personnel gamit ang mga lumang paraan, gaya ng pagkayod sa lining ng uterus.

May 14.4 porsiyento ng lahat ng mga aborsiyon kamakailan— mahigit walong milyon kada taon — ay nasa grupong “least safe”, nangangahu­lugan na isinasagaw­a ito ng mga indibidwal na walang kasanayan gamit ang mga mapanganib o invasive methods.

“The vast majority of unsafe abortions in Africa were categorise­d as ‘least safe’, and were associated with high rates of death,” ipinahayag ng mga mananaliks­ik.

Ang bahagi ng safe abortions ay lumagpas sa 50% sa tatlong developing world regions: ang timog silangang Asia (60%), kanlurang Asia (52%), at timog Africa (74%).

Sa mga bansa na pinahihint­ulutan ang aborsiyon, mahigit 87% ng aborsiyon ay itinuturin­g na ligtas.

Sa 62 bansa na nagbabawal sa procedure o pinapayaga­n lamang para mailigtas ang buhay ng ina, halos 25% ng aborsiyon ang ligtas.

“Our findings call for the need to ensure access to safe abortions to the full extent of the law, particular­ly in low income regions,” ani Ganatra.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines