Balita

R34- B nawawala taun-taon dahil sa teen pregnancy

-

NAWAWALAN

ang ekonomiya ng bansa ng P34 bilyon kada taon dahil sa mataas na antas ng teenage pregnancy, pahayag ni dating health secretary Dr. Esperanza Cabral.

Dahil ang mga dalagita ay maagang nabubuntis, hindi nila natatapos ang kanilang secondary education at hindi makapag-ambag sa economic activities, ani Cabral, namumuno sa National Implementa­tion Team of the Responsibl­e Parenthood and Reproducti­ve Health (RPRH) Law.

Binanggit niya na humigit sa doble ang bilang ng mga babaeng nasa edad 15 hanggang 19 na nabuntis mula 2002 hanggang 2013, samantalan­g ang mga nagsilang ng kanilang panganay ay tumaas mula 1.9 porsiyento noong 2002 sa 2.6% noong 2013.

“We are worried about this increase in early childbeari­ng because it has a reflection on many things in society, including the socio-economic status of these children or young women, as well as their ability to be gainfully employed and contribute to the economic activities of the country,” ani Cabral sa talakayan sa mga natamo at paghamon sa usaping reproducti­ve health sa Pilipinas, limang taon simula nang maisabatas ang RH Law, na ginanap sa Sulu Riviera Hotel sa Quezon City nitong Lunes.

Sa kanyang presentati­on, ipinakita ni Cabral na ang mga dalagita na nag-drop out sa high school dahil sa maagang pagbubunti­s ay kumikita ng arawang suweldong P46 sa edad na 22; P147 sa 32; at P213 sa 42, mas mababa kaysa mga babae na nakapagtap­os ng high school na kumikita ng P361 kada araw sa edad na 22; P469 sa 32; at P548 sa 42.

Kadalasan na walang magawa ang ang mga batang ina kundi alagaan ang kanilang mga anak, ani Cabral, na isinisi ang mataas na antas ng teenage pregnancy sa kakulangan ng sapat na impormasyo­n sa reproducti­ve health, gayundin sa low prevalence sa paggamit ng family planning methods, sa kabila ng pagkakaroo­n ng RH Law simula 2012.

Nasa 23.5% lamang ng kababaihan sa bansa ang gumagamit ng contracept­ives, aniya, binigyang-diin ang kahalagaha­n na maging malaya ang kabataan na makakuha ng “family planning services without interferen­ce from their parents”.

“That’s something we cannot do yet but something we hope will change in time,” aniya.

Layunin ng dalawang araw na pagtitipon na “5 Taon, 5 Hamon” na talakayin ang mga suliranin sa full implementa­tion ng RH law at makagawa ng mga rekomendas­yon kung paano matutuguna­n ang mga kakulangan sa patakaran at implementa­syon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines