Balita

Hugh Hefner, pumanaw na

-

PUMANAW

na ang Playboy founder na si Hugh Hefner, na tumulong sa pagsulong ng sexual revolution noong 1960 sa kanyang groundbrea­king men’s magazine at nagtayo ng business empire na nakabatay sa kanyang libertine lifestyle, nitong Miyekules sa edad na 91, pahayag ng Playboy Enterprise­s.

Si Hefner, binansagan minsan bilang “prophet of pop hedonism” ng Time magazine, ay tahimik na binawian ng buhay sa kanyang bahay, saad ng Playboy Enterprise­s.

Si Hefner ay minsang inilarawan na oversexed Peter Pan dahil sa pagpapatir­a niya ng maraming magagandan­g blonde na hindi bababa sa pito sa kanyang maalamat na Playboy Mansion. Sinubaybay­an ito sa The Girls Next Door, isang TV reality show na umere mula 2005 hanggang 2010. Sinabi niya na dahil sa impotency-fighting drug na Viagra, patuloy niyang naeehersis­yo ang kanyang libido kahit nasa 80s na siya.

“I’m never going to grow up,” sabi ni Hefner sa panayam ng CNN noong siya ay 82. “Staying young is what it is all about for me. Holding on to the boy and long ago I decided that age really didn’t matter and as long as the ladies... feel the same way, that’s fine with me.”

Nagpakasal si Hefner noong 2012 sa edad na 86 sa ikatlong asawa na si

Crystal Harris, na 60 taong mas bata sa kanya.

Sinabi niya na ang kanyang swinging lifestyle ay maaaring reaksiyon sa paglaki niya sa repressed family na bihirang ipakita ang pagmamahal. Ang tinawag niyang stunted childhood ay nauwi sa multi- million- dollar enterprise na nakasentro sa mga hubad na babae ngunit ipinamamal­as din ang “Playboy philosophy” ni Hefner batay sa romance, style at pagwawaksi sa tradisyuna­l na kaugalian.

Ang pilosopiya­ng ito ay isinabuhay sa legendary parties sa kanyang mansion - una sa kanyang bayang sinilangan sa Chicago, at kalaunan ay sa exclusive Holmby Hills neighborho­od ng Los Angeles - na dinadagsa ng male celebritie­s para makipagsay­a sa naggaganda­han at mga batang babae.

 ??  ?? Hugh
Hugh

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines