Balita

Ika-32 labas

-

SAMANTALA, hindi rin nakaila kay Mang Edgardo ang ginawa ni Mang Abe at kasamahang kalalakiha­n sa malagong kawayanang hindi kalayuan sa kaniyang bahay na pinaniniwa­laang sa barangay Bayan-bayan na tirahan ng nilikhang tambulisli­s.

Dahil alam ang halaga ng malagong kawayanan sa mga nilikha sa kanilang lugar, hindi nasiyahan si Mang Edgardo sa pagmamasid lang sa nangyari. Kaya habang nakatingin sa tirahan ng mga nilikha, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kawayanang dahil naputol na ang malalaki at matataas, lagpasan na ang tingin ng tao sa pagitan ng mga halaman.

Nang makarating sa kawayanan, hindi lang pakiramdam ang pinatalas ni Mang Edgardo, kung hindi pati pandinig para marinig ang matinis na hagikhik ng mga tambulisli­s na dati niyang nauuliniga­n sa lugar.

“Wala na akong nauuliniga­ng matinis na hagikhik sa kawayanan,” wika ni Mang Edgardo. “Tiyak, umalis na sa lugar na ito ang mga tambulisli­s tulad noong unang putulin ang mga kawayan ito.”

Dahil sa iba’t ibang pangyayari­ng naglalaro sa isipan, iginala ni Mang Edgardo ang paningin sa kawayanang tirahan ng mga tambulisli­s ngunit dahil pinutol ni Mang Abe at kasamang kalalakiha­n natiyak niyang wala na doon ang mga nilikha.

Dahil sa masusing pagmamasid ni Mang Edgardo sa lugar kung saan masaganang tumutubo ang kawayan, hindi nakaligtas sa paningin niya ang mga tumutubong usbong na tinatawag na labong. Mabilis na hinugot ni Mang Edgardo ang itak sa kalubang nakabigkis sa beywang para kunin ang bahagi ng kawayang kapag niluto, masarap na ulam.

Matapos makakuha ng ilang pirasong labong, tumuloy na si Mang Edgardo sa tindahan ni Aling Ebeng sa sentro ng barangay. Tuwang-tuwa ang may-ari ng tindahan nang ibigay niya ang mga labong dahil masarap itong ulam kapag ginataan at sinahugan ng tinapang isda o sardinas.

“Ipinagbili na kasi ni Don Andres ‘yung malalaki at matataas na puno ng kawayan malapit sa bahay,” wika ni Mang Edgardo. “Hindi kinuha nu’n bumili ang labong kaya kinuha ko.”

“Tama ang ginawa mo, Edgardo,” sagot ni Aling Ebeng. “Sayang kung mabubulok ang labong na ito, napakarasa­p nitong ulam.”

“Lalo na kung isdang tinapa ang isasahog,” wika ni Mang Edgardo. “Tunay na makalimot-biyanan ang sarap!”

“Sinabi mo pa,” sagot ni Aling Ebeng. “At para hindi masayang ang pagod mo sa pagdadala sa akin, lulutuin ko na para makapag-uwi ka ng maiuulam!”

“Sige, Ebeng,” sagot ni Mang Edgardo. “Magandang pangyayari ‘yan dahil sinaing na lang lulutuin ko.”

At habang nagbabanta­y sa tindahang nasa sentro ng barangay, inihanda ni Aling Ebeng ang mga labong na kawayan para lutuing ulam pagsapit ng gabi. Hindi naman nainip si Mang Edgardo sa pagtatamba­y dahil makaraan lamang ang ilang sandali, dumating si Mang Andong na madalas ding nagtatamba­y sa tindahan. At tulad ng dating nagkaharap sila ng kapwa may-edad na lalaki, nagkayayaa­n silang uminom ng alak na barikolkol para palipasin ang sandali na hindi naiinip.

Dahil walang balak malasing, kung hindi palipasin lang ang sandali, paunti-unti ang tagay nina Mang Edgardo at Mang Andong ng alak.

At dahil nalaman ni Mang Andong na ipinagbili na ni Don Andres ang malalaki at matataas na kawayang nasa malawak na lupain ng don, naging paksa din ng usapan nila ni Mang Edgardo ang mga tambulisli­s na naniniraha­n sa malagong kawayanan.

“Ibig mong sabihin, umalis na ang mga tambulisli­s sa malagong kawayanan sa lupa ni Don Andres?” Tanong ni Mang Andong.

“Tama ka,” sagot ni Mang Edgardo. “Kahit hindi ko nakita ang pangyayari­ng ito, naniniwala akong umalis na doon ang mga tambulisli­s dahil hindi ko na nauuliniga­n ang matinis na hagikhik ng nilikha.”

“Saan kaya lumipat ng tirahan ang mga nilikhang ‘yun?” Tanong uli ni Mang Andong.

“Malamang sa malaki at mataas na kahoy na hindi kalayuan sa malagong kawayanang dating tirahan ng mga tambulisli­s,” sagot ni Mang Edgardo. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines