Balita

Tams at Ateneo, kumasa sa UAAP

-

NANATILING matayog ang lipad ng Ateneo Blue Eagles, habang naitala ng Far Eastern University Tamaraws ang unang winning streak sa UAAP Season 80 seniors basketball nitong Miyerkules sa Smart- Araneta Coliseum.

Nangalmot nang bahagya ang University of Santo Tomas Tigers sa final period , ngunit hindi sila nakaiwas sa matalim na kuko ng Blue Eagles tungo sa 84- 94 kabiguan.

Tangan ang 5-0 karta, nagsosolo sa maagang liderato ang Katipunanb­ased cagers, habang sadlak sa 0-5 ang Batang Espana.

Nakadikit ang Growling Tigers sa 80-81 mula sa three-pointer ni Marvin Lee may 3:13 ang nalalabi sa laro, ngunit nabigo ang UST na masundan ang matikas na opensa sapat para makaarya ang Blue Eagles.

Nanguna si Matt Nieto sa Ateneo sa naiskor na 22 puntos.

“We are not happy with our performanc­e. Not taking away from UST, they played a good game. They’ve been staying close. It’s only in the end game that’s what they need to improve on,” pahayag ni Ateneo coach Sandy Arespacoch­aga.

Nag-ambag si Isaac Go ng 13 puntos sa Ateneo, habang kumubra si Thirdy Ravena ng double-double -- 12 puntos at 11 rebounds.

Hataw si Lee sa naiskor na 22 puntos, habang tumipa si Jordan Sta. Ana ng 21 puntos.

Nakamit ng Tamaraws ang back-to-back win nang gapiin ang National University, 90-83.

Ratsada si Arvin Tolentino sa natipang 23 puntos para mahila ang karta ng FEU sa 3-2.

Lungayngay ang Bulldogs sa 2-3.

Iskor: (Unang laro)

Ateneo (94) - Ma. Nieto 22, Go 13, Ravena 12, Mamuyac 8, Ikeh 7, Asistio 7, Mi. Nieto 6, Tolentino 5, Verano 4, Tio 3, Mallillin 3, Black 2, Mendoza 2, Porter 0.

UST (84) - Lee 22, Sta. Ana 21, Faundo 6, Escalambre 6, Akomo

6, Romero 6, Garcia 4, Huang 4, Basibas 4, Soriano 3, De Guzman 2, Kwawukumey 0, Arana 0.

Quartersco­res: 29-23; 55-43; 76-71; 94-84. (Ikalawang Laro)

FEU (90) - Tolentino 23, Inigo 12, Ebona 10, Comboy 9, Parker 9, Tuffin 7, Dennison 6, Orizu 6, Cani 5, Escoto 3, Ramirez 0.

NU ( 83) - Alejandro 23, Aquino 13, Gaye 8, Yu 7, Morido 7, Salem 6, Mosqueda 6, Bartlett 4, Lastimosa 3, Joson 2, Abatayo 2, Rangel 2, Quartersco­res: 22-15; 48-41; 76-68; 90-83.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines