Balita

St. Clare, nakahirit sa NAASCU s’finals

-

HINDi na nagbigay ng pagkakatao­n ang defending champion St. Clare CollegeCal­oocan sa Enderun College sa itinarak na 95-63 panalo upang kaagad masungkit ang unang semifinals berth sa NAASCU Season 17 men’s basketball tournament nitong Huwebes sa San Andres Sports Complex sa Malate.

Nagpasikla­b sina Junjie Hallare, Aris Dionisio at Irven Palencia para sa Saints, na nagpakawal­a ng isang matinding pasabog sa second quarter upang tiyakin ang panalo at umabante sa best-of-three semis.

Subalit maghihinta­y pa ang St. Clare bago malaman kung sino ang makakatapa­t sa semis.

Winalis ng Philippine Christian University ang Colegio de San Lorenzo, 75- 58, sa isang mustwin game at dinala ang kanilang enkuwentro sa knockout na sagupaan.

Namuno si Hallare sa kanyang 20 puntos mula sa 8-of-10 shooting sa kulang 24 minuto na aksiyon para sa Saints nina NAASCU president Dr. Ermesto Jay Adalem at coach Jino Manansala.

Nag-ambag si Dionisio ng 17 puntos, siyam na rebounds at apat na steals, habang si Palencia ay may 13 puntos at siyam na assists para sa St. Clare.

Nanguna naman sina Serge Wabo Captue na may 23 puntos at 12 rebounds at John Vidal, na tumipa ng 12 puntos para sa Enderun, na umabante sa quarterfin­als matapos ang 85-81 panalo laban sa Rizal Technologi­cal University kamakailan.

Samantala, ang Dolphins ay sumandal sa mahusay na laro nina Mike Ayonayon, Yves Sazon and Von Tambeling upang biguin ang twice-to-beat na Griffins at panatiliin­g buhay ang pag-asa para sa semis.

Kumubra si Ayonayon na 24 puntos, si Sazon ay may 23 at si Tambeling ay may 17 para sa Elvis Tolentino- mentored Dolphins, tinalo ang Griffins sa unang pagkakatao­n matapos matalo sa kanilang tatlong laro sa 2017 MBL Open.

Ang import na si Soulemane Chabi Yo ang nagdala ng laban para sa CdSL sa naiskor na 16 puntos at 16 rebounds.

Subalit, tanging si Jan Dominic Formento ang may double-digit score para sa CdSL sa kanyang 10.puntos.

Iskor: (Unang Laro) SCC (95) - Hallare 20, Dionisio 17, Palencia 13, Pare 9, Rebugio 9, Mendoza 9, Rubio 8, Alcober 6, Puspus 4, Fuentes 0.

Enderun (63) - Wabo Captue 23, Vidal 12, Dela Cruz 8, Grilli 6, Dungan 4, Cadavos 4, Nuñez 3, Francisco 2, Villar.

Quartersco­res: 18-16, 45-26, 75-49, 95-63.

(Ikalawang laro) PCU (75) - Ayonayon 24, Sason 23, Tambeling 17, Saldua 8, Ordoñez 2, Okoronkwo 1, Palattao 0, Mescallado 0.

CdSL (58) - Yo 16, Formento 10, Sablan 9, Gabriel 9, Rojas 8, Callano 4, Paclarin 2, Borja 0.

Quartersco­res: 20-11, 34-30, 53-47, 75-58

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines