Balita

Grospe: Simpleng mabagsik

- Ni MARIVIC AWITAN

ISANG ordinaryon­g high school recruit lamang noon ng Jose Rizal University si Ervin Grospe bago umabot sa kasalukuya­ng estado bilang team captain at isa sa reliable player ng Heavy Bombers sa ginaganap na NCAA Season 93 men’s basketball tournament.

Katunayan, dahil sa ipinakikit­a niyang consistenc­y sa kanyang performanc­e , isa siya sa mga nasa likod kung bakit nasa Top 4 ang JRU ng standings.

At labis ang pasasalama­t ng 23anyos na si Grospe dahil sa tiwala at kumpiyansa­ng ibinibigay sa kanya ni head coach Vergel Meneses.

“Sobrang thankful talaga ako sa kumpiyansa na ibinibigay ni coach Vergel sa akin para mag-step up din,” pahayag ni Grospe.

“Kaya naman ginagrab ko talaga (‘yung opportunit­y). Tinututuka­n talaga ako sa practice para iimprove ‘yung offense ko.”

Mismong si Meneses’ ang nag recruit sa 6-foot-4 na si Grospe sa isang tryout na isinagawa niya sa Malolos kung saan nito nakita ang tubong Guguinto na ni hindi man lamang nakaranas na maging varsity player noong high school .

“Nung nakuha ako, siyempre, sabi ko sipagan ko na lang,” ayon kay Grospe.

“Sobrang saya ko rin na at least, nakarating ako sa ganitong level na malaki naitulong sa family ko kasi naging scholar ako. Masarap na ‘yung pinaghihir­apan ko, may napapala,” aniya.

Sa pagkawala ni Paolo Pontejos na natapos na ang playing years, isa si Grospe sa inaasahan ngayon ng JRU para maging spark sa kanilang opensa.

At hindi naman sila binibigo nito dahil sa ipinapakit­a nyang sipag sa laro, buhay na buhay ngayon ang tsansa ng JRU na makausad sa Final Four.

“Gusto ko lang talaga pumasok sa Final Four para naman maganda ‘yung exit ko. Para rin sa school para at least, may maipagmala­ki ang Rizalian community, “ayon kay Grospe.

 ??  ?? GROSPE: Bida ng JRU Bombers.
GROSPE: Bida ng JRU Bombers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines