Balita

Grade 12 student nag- suicide sa paaralan

- Ni KIER EDISON C. BELLEZA

CEBU CITY – Nasawi ang isang 17-anyos na estudyante sa Grade 12 makaraan siyang tumalon mula sa ikapitong palapag ng isang gusali sa kanyang paaralan sa Barangay Kalubihan sa Cebu City, nitong Huwebes ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Jonah Villarin, taga-Bgy. Tisa, Cebu City, dahil sa matinding sugat na tinamo ng kanyang ulo.

Nauna rito, tinangka ng dalagita na tumalon mula sa ikawalong palapag ng kaparehong gusali sa Asian College of Technology, subalit napigilan siya ng isang guro at dinala siya sa guidance counsellor, at kalaunan ay ipinatawag ang kanyang mga magulang.

Napaulat na namumroble­ma sa kanyang pamilya si Villarin at isang linggo na ang nakalipas nang lumayas ito mula sa sariling tahanan matapos umanong mapagalita­n ng kanyang mga magulang.

Ayon kay SPO1 Winston Ybañez, ng Cebu City Police OfficeHomi­cide Section, sinabi sa kanila ng ina ng estudyante na hindi ito ang unang beses na naglayas si Jonah makaraang mapagalita­n.

Nabatid na natakot umano ang dalagita na makita ang kanyang ina nang ipatawag ito ng paaralan kaya nagsabi siyang magbabanyo, subalit tumalon mula sa bukas na bintana sa ikapitong palapag ng gusali, bandang 4:00 ng hapon nitong Huwebes.

Inihayag ni Asian College of Technology President Stephen Descallar na ang eskuwelaha­n ay “shocked about the unfortunat­e incident”, at sinabing kakaiba ang kinikilos ng dalagita nang araw na iyon.

Sinabi pa ni Descallar na inamin ni Jonah sa guidance counsellor na si Mr. Marcus Agonia, Jr., na ang dalagita ay “physically, verbally and psychologi­cally abused by her parents at home”.

Sinabi pa umano ni Jonah kay Agonia: “Gikapoy na ‘ko sa akong kinabuhi, kay puros lang pain (Sawa na ako sa buhay ko’ng puro pasakit).”

Ayon kay Descallar, inirekomen­da na niya noon sa ina ni Jonah na ipasuri sa clinical psychologi­st ang dalagita makaraang makumpirma na maraming beses nang nagtangkan­g maglason ang estudyante.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines