Balita

Package delivery bawal na sa Uber, Grab

- Chito A. Chavez

Tatanggiha­n na ng mga transport network vehicle service (TNVS) na Uber at Grab ang mga booking para sa package delivery nang walang pasahero kasunod ng ulat na ginagamit na ngayon ang ridesharin­g services sa paghahatid ng ilegal na droga sa mga kliyente ng mga drug trader.

Ang bagong hakbangin ang napagkasun­duan ng Uber at Grab nang makipagpul­ong ang mga kinatawan nito sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng usapin.

Sinabi pa ni LTFRB Chairman Martin Delgra na bubuo ng direktiba ang ahensiya na mag-oobliga sa mga TNVS partner na sumailalim sa drug testing.

Tinukoy ang sitwasyon na lubhang nakaaalarm­a, hiniling ng PDEA ang pulong sa Uber at Grab makaraang makumpirma kamakailan na walang kaalam-alam ang mga driver ng dalawang TNVS na nagagamit sila sa paged-deliver ng ilegal na droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines