39 na bansa umapela vs PH killings

‘But we will never accept dictation’

Balita - - Pangunahing Pahina - Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at ROY C. MABASA

Handa ang Pilipinas na tanggapin ang tulong ng mga kaalyadong bansa sa paglaban sa illegal na droga, corruption at kriminalidad sa bansa ngunit hindi magpapadikta sa kung paano isasagawa ang proseso.

Ito ang idiniin ng Malacañang matapos sabihin ng Asian Forum for Human Rights and Development ( Forum- Asia) na hinihimok ng 39 kasaping bansa ng United Nations ( UN) ang Pilipinas na imbestigahan ang mga pamamaslang at protektahan ang mga tagapagtaguyod ng mga karapatang pantao.

Kabilang sa 39 bansa na nagpahayag ng pagkabahala sa kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang: United States, United Kingdom, Iceland, Australia, Austria, Belgium, Bulgaria, Canada, Croatia, Cyprus, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Georgia, Germany, Greece, Ireland, Italy, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Macedonia, Malta, Moldova, Montenegro, Norway, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, Switzerland, The Netherlands at Ukraine.

Sa isang pahayag, idiniin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, na nauunawaan ng Palasyo ang pangamba ng 39 kasaping estado ng UN ngunit muling iginiit na walang “culture of impunity” sa bansa.

“Unfortunately, it still appears that some parties refuse to understand certain aspects of our human rights efforts. So let us be clear. There is no culture of impunity in the Philippines,” ani Abella.

“We will always be happy to accept the help of our foreign friends. But we will never accept dictation on how we are managing our own internal domestic processes,” dagdag niya.

“It is unfortunate that the Asian Forum for Human Rights and Development (Forum-Asia), in their desire to join the discussions on the matter, would rather look at the glass half-empty rather than halffull,” sabi pa niya.

Ipinunto ni Abella na buongbuong tinanggap ng UN Human Rights Council ( UNHRC) ang Universal Periodic Review (UPR) ng Pilipinas kamakailan.

“While it is true that 39 countries have expressed concern over drugrelated killings, the fact remains that the United Nations Human Rights Council (UNHRC) unanimously accepted and commended the Outcome Report on the Philippines’ UPR,” aniya.

Tiniyak din ni Abella na gumagana ang justice system sa bansa at iniimbestigahan ang mga alegasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.