Balita

Retraining para sa Caloocan cops sa Lunes

- Bella Gamotea

Sasailalim na sa retraining sa Lunes, Oktubre 2, ang sinibak na 1,143 tauhan ng Caloocan-National Capital Regional Police Office (Caloocan-NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ito ang kinumpirma kahapon ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde sa replacemen­t ceremony sa Northern Police District (NPD) Headquarte­rs.

Ang sabay-sabay na retraining ng mga sinibak na pulis ay mahigpit na ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa.

Simula 5:00 ng madaling araw, inaasahang uumpisahan ang pagsasanay ng mahigit isang libong pulis sa naturang kampo.

Matatandaa­ng sinibak sa puwesto ang mga nasabing pulis dahil sa pagkakasan­gkot ng ilang kabaro sa magkakasun­od na insidente ng pamamaslan­g at kabilang na rito sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo Bagcal, gayundin ang panloloob sa bahay ng isang negosyante.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines