Walang laglagan

Balita - - News - Leonel M. Abasola

Hindi inilaglag ng minorya ang pitong senador na hindi lumagda sa pagkondena at panawagang imbestigasyon sa extrajudicial killings (EJKs ) sa bansa.

Ayon sa kampo ni Sen. Francis Pangilinan, tatlong araw na nakapaskil sa website ng Senado ang Senate Resolution 516 at ipinadala rin sa tanggapan ng mga senador, pero hindi naman sila nagpahayag ng suporta.

“Clearly there was no attempt to keep or withhold the resolution from the seven senators. The Senate rules were followed. And most importantly, the Senate is showing that it cares to find justice for victims of all extrajudicial killings,” paliwanag ni Atty. Herminio Bagro III, chief of staff ni Pangilinan.

Tinawag kasing mga tuta ng Malacañang sina Senate President Aquilino Pimentel III, Majority Leader Vicente Sotto III, Sens. Richard Gordon, Gregorio Honasan II, Manny Pacquiao, Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri matapos hindi sila lumagda sa SR 516.

Pinalagan ito ni Villar at inakusahan sina Sens. Bam Aquino at Rissa Hontiveros na nasa likod ng paninira. Gayunman, itinangggi ito ng dalawa at iginiit na biktima rin sila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.