Wray, iniluklok bilang FBI director

Balita - - News -

WASHINGTON (AP)—Pormal nang iniluklok si Chris Wray bilang bagong FBI director nitong Huwebes. Pinalitan niya si James Comey, na sinibak nitong Mayo ni President Donald Trump matapos ang apat na taon sa trabaho.

Ginanap ang seremonya sa FBI headquarters at dinaluhan ni Attorney General Jeff Sessions. Kapansin-pansin na wala si Comey at si Robert Mueller, na sinundan nito bilang FBI director at ngayo’y nangunguna sa imbestigayson ng Justice Department sa posibleng sabwatan ng kampanya ni Trump at ng Russia sa 2016 presidential election.

“We’re going to follow the facts independently, no matter where they lead and no matter who likes it,’’ diin ni Wray kaugnay sa misyon ng FBI.

Si Wray, dating federal prosecutor, ay naging pinuno ng criminal division ng Justice Department sa administrasyon ni George W. Bush. Ang huli niyang trabaho ay sa private law office sa Atlanta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.