Drone delivery sa Switzerland

Balita - - News -

ZOLLIKON (AP) – Tutulong ang mga drone sa paghahatid ng mga toothbrush, deodorant at smartphone sa bahay ng mga Swiss ngayong taglagas sa pilot project ng serbisyo sa matataong lugar

Kukunin ng mga drone ang mga gamit mula sa isang distribution center sa Zurich at ihahatid ito sa layong 8 hanggang 16 kilometro sa mga naghihintay na delivery van. Ihahatid naman ng mga driver ng van ang mga package sa kabahayan.

Sinabi ni Andreas Raptopoulos, CEO ng drone firm na Matternet, nitong Huwebes na pabibilisin ng mga drone ang paghahatid, dahil lilipad ito sa ibabaw ng masisikip na kalye sa lungsod o natural barriers gaya ng Lake Zurich. May hiwalay ding proyekto ang kumpanya para maghatid ng medical supplies sa mga ospital.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.