$1,900 cash isinauli

Balita - - News - Mina Navarro

Pinarangalan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng immigration officer (IO) na nagsauli ng US1,900 cash na naiwanan ng isang pasahero sa kanyang counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang matapat ang empleyado na si Reimond Abegail Lagman.

“I commend Ms. Lagman for again showing our countrymen that there are honest employees in our bureau who cannot be corrupted by the color of money even if they are gripped with financial difficulties,” ani Morente.

Sa halip na ibulsa ang pera, iniulat ni Lagman ang insidente sa kanyang mga supervisor at inayos ang pagsasauli ng pera sa Manila International Airport Authority (MIAA) management upang maibalik sa hindi pa nakikilalang pasahero.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.