2 tulak timbuwang sa Sulu

Balita - - News - Nonoy E. Lacson

ZAMBOANGA CITY – Dalawang umano’y kilabot na drug dealer ang napatay sa shootout sa militar sa Luuk, Sulu sa operasyong ikinasa ng mga operatiba ng Philippine Marine Ready Force Sulu, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Spokesman Army Capt. Jo-Ann Petinglay na ilang baril at shabu rin ang nakumpiska mula kina Alsidi Anji at Benjie Dumdaydi, kapwa kilabot na tulak sa bayan ng Luuk.

Sinalakay ng mga awtoridad ang hideout ng mga suspek sa Barangay Lambago sa Luuk, bandang 2:00 ng umaga nitong Miyerkules, na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng isang Garand rifle, 14 na rounds ng .30 caliber ball, shabu, at drug paraphernalia.

Ayon kay Petinglay, binaril at napatay sina Anji at Dumdaydi matapos na manlaban ang mga ito sa mga awtoridad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.