Balita

3 doktor suspendido sa ‘pamemeke’

- Liezle Basa Iñigo

Nasa 45 araw na preventive suspension ang bubunuin ng opisyal at dalawa pang doktor sa isang district hospital sa Camalaniug­an, Cagayan, dahil sa pandaraya umano sa PhilHealth claims.

Sa press statement ng Cagayan Informatio­n Office, nabatid na sinuspinde sina Dr. Belma Barrientos, chief ng Matilde A. Olivas District Hospital sa Camalaniug­an; Dr. Rosette De Leon; at Dr. Jane Berona na magiging epektibo simula Setyembre 25 hanggang Nobyembre 9, 2017.

Sinuspinde ang tatlo habang nagsasagaw­a ng imbestigas­yon sa mga kasong dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicia­l to the government.

Natuklasan ng PhilHealth na binago umano ng tatlo ang resulta ng mga laboratory test para iakma sa diagnosis ng ospital upang makakolekt­a ng mas malaking claims mula sa PhilHealth.

Nang makarating sa kaalaman ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ay agad niyang isinailali­m sa preventive suspension sina Barrientos, De Leon at Berona.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines