Ama nirapido, anak binaril din

Balita - - News - Fer Taboy

Patay ang isang lalaking mag-uuling habang sugatan naman ang anak niyang binatilyo nang pagbabarilin sila ng mga hindi nakilalang suspek sa Bolinao, Pangasinan.

Ayon sa natanggap na report ng Camp Crame mula sa Bolinao Municipal Police, kinilala ang nasawing Ricky Gonzales, Sr., 39, maguuling, may asawa, ng Barangay Sampaloc, Bolinao, habang sugatan naman ang anak niyang si Ricky Gonzales Jr., 17 anyos.

Batay sa pahayag ng binatilyo, nag-iigib sila ng tubig ng kanyang ama nang biglang pagbabarilin ng mga suspek na sakay sa motorsiklo ang kanyang ama.

Dumating pa ang isang motorsiklo, sakay ang hindi rin nakilalang suspek, at binaril nito sa binti ang binatilyo.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang sa nakatatandang Gonzales.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.