SUV vs trike: 1 patay, 4 sugatan

Balita - - News - Erwin Beleo

AGOO, La Union – Isang 54-anyos na babae ang nasawi habang apat na iba pa ang nasugatan at ginagamot pa sa ospital makaraang magkabanggaan ang isang SUV at isang tricycle sa national highway ng Barangay Sta. Ana sa Agoo, La Union, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Chief Insp. Silverio Ordinado, Jr., information officer ng La Union Police Provincial Office, ang nasawi na si Gloria C. Yaris, 54, na isa sa apat na pasahero ng tricycle.

Sugatan naman ang apat pang sakay sa tricycle na sina Bon Cris F. Juloya, 21, driver, ng Bgy. Alaska, Aringay; Ignacio N. Padilla, 40; Gladys V. Padilla, 16; at Jofelyn G. Mangaoang, 38, pawang taga-Bgy. Dulao, Aringay.

Arestado naman ang driver at may-ari ng SUV (MS-1867) na si Zenaida A. Raquino, 42, taga-Bgy. 4, San Fernando City, La Union.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.