Budol-Budol member timbog

Balita - - News - Leandro Alborote

SAN MANUEL, Tarlac – Arestado ang isang umano’y miyembro ng Budol-Budol gang makaraang tangayan ng pera at dalawang cell phone ang isang negosyante sa San Manuel Public Market sa San Manuel, Tarlac, nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay PO3 Glenmore Prado, dakong 10:40 ng umaga nang nagtungo si Renato Ortiz, 63, ng San Jose City, Nueva Ecija, sa puwesto ni Christina Rivera, 78, ng Barangay San Miguel, San Manuel at nagpanggap na kustomer.

Nang malingat si Rivera ay tinangay umano ni Ortiz ang sling bag nito na may dalawang cell phone, P1,000 cash, at apat na wallet na may mga importanteng papeles.

Gayunman, kaagad na nadiskubre ni Rivera ang pagnanakaw at nagsumbong sa San Manuel Police, hanggang sa naaresto si Ortiz at nabawi ang mga ninakaw umano nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.