Mag-asawa tiklo sa baril, droga

Balita - - News - Liezle Basa Iñigo

Hindi nakaligtas ang isang mag-asawa sa kamay ng awtoridad nang salakayin ang bahay ng mga ito at arestuhin sa pag-iingat ng ilegal na baril at droga sa Barangay San Antonio, Aparri, Cagayan

Pinangunahan ni Chief Insp. Pepito Mendoza, hepe ng Aparri Police, ang pagsalakay sa bahay ng mag-asawang kinilala lamang sa mga alyas na “Essie” at “Jing”, kapwa taga-Bgy. San Antonio, Aparri, dakong 8:00 ng gabi ng Huwebes.

Nakumpiska umano mula sa mag-asawa ang isang granada, isang homemade .38 caliber revolver, 10 bala nito, at limang maliliit na heatsealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu.

Kakasuhan ng illegal possession of firearms, illegal possession of explosives, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.