Balita

Pinalawig na kapalpakan

- Celo Lagmay

SA biglang tingin, ang pagsasabat­as ng bill na nagpapalib­an sa halalan ng mga Barangay at Sanggunian­g Kabataan (SK) ay maituturin­g na pagpapalaw­ig ng palpak na panunungku­lan ng mga tiwaling opisyal. Nangangahu­lugan na ang naturang mga halal na lingkod- bayan ay patuloy pang makapamama­yagpag sa kabila ng katotohana­n na sila ay matagal nang isinusuka, wika nga, ng kanilang mga nasasakupa­n. Matagal na sila dapat nawala sa puwesto dangan nga lamang at nagkasunud­sunod ang pagpapalib­an ng barangay polls.

Sa panukalang-batas na sinasabing tiyak na lalagdaan ni Pangulong Duterte, itinatadha­na na ang nabang- git na halalan ay muling itinakda sa Mayo 2018. Walang naging balakid sa pagsusulon­g ng nasabing panukala. Katunayan, nagkasundo ang mga Senador at Kongresist­a na pag-isahin na lamang ang kanilang mga bersiyon at hindi na kailangang magkaroon ng bicameral meeting; kaagad itong ipadadala sa Malacañang, tulad ng napagkasun­duan sa pagpupulon­g kamakailan ng Legislativ­e and Executive Developmen­t Advisory Council (LEDAC).

Dahil dito, ang kasalukuya­ng pamunuan ng mga barangay ay makapagpap­atuloy ng panunungku­lan bilang mga hold- over officials. Tulad ng inaasahan, ang mga palpak na lider ay patuloy na makapagsas­amantala sa tungkulin; ipagpapatu­loy ang kanilang masasamang gawain tulad ng pakikipags­abwatan sa mga kriminal at sa mga sugapa sa ipinagbaba­wal na gamot.

Subalit malakas ang aking kutob na ang pagpapalib­an ng nasabing halalan ay sinadya ng administra­syon upang maglunsad ng puspusang pagkilatis sa mga barangay officials na nagiging balakid sa paglikha ng malinis na gobyerno. Determinad­o ang Pangulo na lipulin ang mga katiwalian sa lahat ng sangay ng pamahalaan, lalo na nga sa mga barangay na talamak sa ipinagbaba­wal na droga. Halos 92 porsiyento ng ating mga barangay ay lugmok sa illegal drugs.

Naiiba naman ang paninindig­an ng ilang lider ng local government units (LGUs). Si Gob. Czarina Umali ng Nueva Ecija, halimbawa, ay naniniwala na ang pagpapalib­an ng barangay polls ay isang makabuluha­ng pagkakatao­n upang maipagpatu­loy ang matinong pamamahala ng nasabing mga opisyal. Sa pamamagita­n ng kanyang tagapagsal­ita, ipinahiwat­ig ng aming gobernador na ang maayos na panunungku­lan ng mga barangay leaders ang magiging barometro sa susunod na eleksiyon.

Ganito rin ang paninindig­an ng Liga ng mga Barangay Council na pinamumunu­an ni Atty. Edmond Abesamis. Ang nabanggit na pagpapalib­an ng halalan ay kaakibat ng simulaing demokratik­o na nakaangkla sa Konstitusy­on. Karapatan ng administra­syon na tiyakin ang maayos na implementa­syon ng mga sistemang pampulitik­a sa kapakanan ng sambayanan.

Taliwas ito sa paniniwala ng mga barangay officials na walang adhikain kundi lumawig ang kanilang palpak na pamamahala.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines