Inggiterong aktor, nuknukan ng yabang

Balita - - Showbiz Atbp. - Reggee Bonoan

NAKAKATAKOT sumikat ang isang struggling actor na kahit wala pang napapatunayan aya nuknukan na ng yabang at sobra ang bilib sa sarili. Ikinukumpara pala ng struggling actor ang sarili sa isa ring aktor na kasabayan niya sa teatro. Bakit daw mas nauna pang magkaroon ng maraming projects, e, hindi naman daw kagalingang umarte. Bagamat hindi naman binanggit ng struggling actor na mas magaling siyang umarte kaysa sa kinaiinggitan niyang aktor, sa tono ng pananalita niya ito na mismo ang gusto niyang sabihin.

Ang kinaiinggitang aktor ay kaliwa’t kanan ang TV/movie projects ngayon at higit sa lahat, nagbida na sa pelikula.

Himutok nitong inggiterong aktor, hindi na nga raw niya nakakausap ang kasabayang aktor dahil hindi na sila nagkikita tulad noon na gumigimik pa sila.

E, kasi nga bisi- bisihan ang kinaiinggitan niya. Siya, wala pa namang pinagkakaabalahan. Pero ang drama niya sa mga taong tumutulong sa kanya ay bising-bisi siya.

Mukhang nagha- hallucinate ang struggling actor sa drama niyang

ising-bisi siya dahil nang tanungin ang namamahala sa career niya, ang sabi, “Ay, indi naman po ganu’n ka-busy, actually naghahanap nga po kami ng raket. ‘Yung movie na ginawa niya, two-day shoot lang naman po ‘yun, cameo role lang.” Aysus, itong si struggling actor kung makaawra naman sa sarili, waley naman ala. Actually, napanood namin ang elikulang sinasabing two-day shoot lang iya, kahit sino puwedeng gumanap sa apel niya dahil hindi nga kalakihan. Baka asi hindi naman kailangan ng malaking angalan kaya siya ang kinuha.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.