Jessy, mapapalaban sa aktingan kina Boyet at Carmi sa ‘MMK’

Balita - - 10 -

ISANG hamon ang haharapin ni Jessy Mendiola sa kanyang pagganap bilang babaeng hinahanap ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng kanyang mga panaginip ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Musmos pa lang si Erna (Jessy) nang hindi sinasadyang mawalay siya sa kanyang tunay na pamilya. Dahil sa kabutihang- loob ng isang binata, napadpad siya sa pamilya ni Indong ( Christopher de Leon) na kinilala siya bilang si Juliet Perez. Mahal man siya ni Indong, batid niya ang hindi pagsangayon ng asawa nitong si Salving ( Carmi Martin) pati ang mga anak nito.

Sa kanyang paglaki, walang ibang ginawa si Erna kundi gawin ang lahat para matanggap ng pamilya ni Indiong. Hanggang sa isang gabi, nagsimula siyang managinip tungkol sa kanyang tunay na magulang na nagbigay sa kanya ng pag- asa na masagot ang mga tanong na matagal nang bumabagabag sa kanya.

Paano hahanapin ni Erna ang mga magulang base lamang sa panaginip? Paano maapek tuha n ng kanyang kagustuhan na makilala sila ang kanyang relasyon sa pamilyang kumupkop sa kanya?

Makakasama nina Jessy, Carmi at Boyet sa upcoming episode sina Heart Ramos, Aleck Bovic, Bobby Andrews, Neil Coleta, Johan Santos, John Manalo, Marc Acueza, Carlo Lacana, Shaun Salvador, Karen Timbol, Andrei Garcia, at Aiko Climaco mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.

Jessy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.