First kiss nina Heart at Alexander, bentang-benta sa viewers

Balita - - 10 -

LALO pang naging kaabang- abang ang mga mangyayari sa primetime series na My Korean Jagiya nina Heart

Evangelista at Alexander Lee dahil sa mga nangyayari sa istorya nitong nakaraang linggo.

Pagkatapos kasi ng nakakakilig na kissing scene nina Gia (Heart) at Jun Ho (Alexander) sa honeymoon nila sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan, ang nakakatawang agawan naman nina Tita Aida ( Janice de Belen) at Tita Josie ( Ricky Davao) kay Dodong ( Raymart Santiago) ang tinututukan ng avid viewers ng programa.

Marami ang humahagalpak ng tawa sa comedy na dala nila sa serye. Ayon sa viewers, nakaka-good vibes daw talaga.

Good vibes na talaga ang hinahanap ngayon ng mga manonood, ayaw na nila ng mga nakakatensiyon na panoorin. Kaya win na win ang My Korean Jagiya.

Heart at Alexander

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.