Balita

Jay-Z, J.Lo mangunguna sa hurricane benefit show

-

PANGUNGUNA­HAN ng pop superstar na si Jennifer Lopez at ng rap mogul na si Jay-Z ang isang concert sa New York na lilikom ng pondo para sa survivors ng mga bagyong sumalanta sa United States at sa Caribbean.

Ipinahayag ng Tidal, streaming service na pinamumunu­an ni Jay- Z, nitong Miyerkules ang line- up ng show na gaganapin sa Oktubre 17 sa Barclays Center arena ng Brooklyn.

Si J. Lo, isinilang sa New York ng mga magulang na tubong-Puerto Rico, ay nagkaloob kamakailan ng $1 milyon sa relief ng Hurricane Maria, na nagdulot ng matinding pinsala sa elektrisid­ad at imprastrak­tura ng isla.

Ang hip- hop- heavy lineup ng konsiyerto ay magtatampo­k din sa rappers na sina DJ Khaled, Cardi B, Joey Bada$$, Belly, Iggy Azalea, Vic

Mensa at Daddy Yankee -- ang Puerto Rican rapper na bahagi ng viral global hit na Despacito.

Kabilang sa performers ng iba pang genre ang electronic artist na si Kaskade, R&B singer na si Chris Brown at pop group na Fifth Harmony.

Magkakasun­od na hinagupit ng malalakas na bagyong Harvey, Irma at Maria ang Caribbean at iba pang bahagi ng United States nitong nakaraang buwan.

Ang asawa ni Jay-Z na si Beyonce ay nauna nang nangako ng pangmataga­lang tulong sa kanyang bayan sa Houston habang bumabangon ito sa pinsala ng Harvey.

 ??  ?? J. Lo
J. Lo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines