Jane Fonda, nairita sa ‘weird’ interview ni Megyn Kelly

Balita - - 11 -

BINATIKOS ni Jane Fonda ang newswoman na si Megyn Kelly sa “weird” na pagtatanong nito sa kanilang TV showdown nitong Miyerkules.

Naging laman ng balita ang kanilang awkward interaction nang mapilitan ang legendary actress na palitan ang paksa nang tanungin siya ni Kelly tungkol sa plastic surgery procedures.

“You’ve been an example to everyone, on how to age beautifully and with strength - and unapologetically,” ani Megyn, idinagdag na, “You admit you had work done. I think it’s to your credit. You look amazing. I read you felt you’re not proud to admit you had work done, why not?”

“We really want to talk about that now?” walang ganang sagot ni Jane at saka ibinaling ang usapan sa kanyang bagong pelikula na

Our Souls at Night pero tinangka pa rin ni Kelly na muling ibalik ang paksa sa mga nakaraang cosmetic operations ng 79-anyos, sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa kanyang youthful secrets. “Good attitude. Good posture. Take care of myself...,” pakli ni Jane. “Let me tell you why I love this movie that we did, Our Souls at Night, rather than plastic surgery.” Nang tanungin tungkol sa panayam ilang oras pagkatapos ng kanyang TV chat kay Kelly, inamin ni Jane na hindi niya napaghandaan ang mga tanong nito. “Given the fact that we don’t have a lot of time and Bob (ang co-star na si Robert Redford) is right here (sitting next to me on set), it’s a weird thing to bring up, whether I’ve had plastic surgery or not,” aniya sa ET. “I’ve talked about it (but it) seemed like the wrong time and place to ask that question.” Idinagdg ng kanyang Our Souls at Night co-star na, “I think Jane didn’t want to go there. I think she didn’t want to have the show turn into about her, her surgery or her look. It was about the quality of the performance,” bago idinugtong na, “I wasn’t paying a lot of attention.”

Jane

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.