De Ocampo vs SFAC sa NAASCU s’final duel

Balita - - Sports -

BINIGO ng De Ocampo Memorial College ang Philippine Merchant Marine School, 102-97, sa overtime, habang naungusan ng St. Francis of Assisi College ang Our Lady of Fatima University, 72-67, nitong Huwebes upang maisaayos ang semifinal showdown sa NAASCU Season 17 men’s basketball tournament sa San Andres Sports Complex sa Manila.

Magtutuos ang Cobras, nakumpleto ang seven-game sweep sa elimination round ng Group B, at Doves sa best-ofthree semi-final match sa susunod na linggo.

Pakitang gilas si Jhonard Clarito para sa Cobras sa natipang 34 puntos mula sa 9-of22 shooting.

Umiskor si Clarito ng siyam na puntos sa extra period, kabilang ang three-point shot na nagbigay sa Cobras ng kalamangan, 94-93, may 1:51ang nalalabi, at tatlong dikit na free throws bago tumipa ng isa pang tres sa huling 60 segundo.

Nagpasiklab din sina Dahrrel Caranguian, na may 20 puntos at Peter Manalang, na may 12 puntos para sa Cobras ni coach Ronnie Dojillo.

Nanguna sa PMMS si Donmark Matillano sa naiskor na 40 puntos.

Samantala, sumandal ang St. Francis sa kabayanihan nina Luke Parcero at Michael Cenita para pataubin ang Fatima at makarating sa semis sa unang taon ng paglahok sa pinakamalaking collegiate league sa bansa.

Tumipa si Parcero ng 29 puntos, kabilang ang dalawang pressure-packed free throws matapos ma-foul ni Chris Essomba may 16.3 segundo ang nalalabi.

Nag-ambag si Cenita ng 11 puntos, kasama ang layup na nagbigay ng 70-67 bentahe sa Doves.

Kumubra sa Fatima sina Jessiery Pedrosa ( 20 puntos), Rommel Diosa (12 puntos) at Essomba (10 puntos, 11 rebounds)

Nauna nang umabante sa Final Four ang defending champion St. Clare CollegeCaloocan matapos mamayani laban sa Enderun College, 9563.

Ipibahayag ni NAASCU commissioner Pido Jarencio na ang magwawagi sa sagupaan ng Philippine Christian University at Colegio de San Lorenzo ang makakaharap ng St. Clare sa semis.

Ginapi ng PCU ang CdSL, 75-58, para maipuwersa ang playoff.

Iskor: (Unang laro) SFAC (72) - Parcero 29, Cenita 11, Lanoy 9, Chu 8, Tolosa 8, Cruz 3, Larotin 2, Madrid 2, Cristobal 0.

OLFU (67) - Pedrosa 20, Diosa 12, Essomba 10, Cabrera 8, Sarona 8, Datu 6, Bargola 3, Lumbera 0.

Quarterscores: 17-18, 34-34, 51-52, 72-67.

(Ikalawang laro) DOMC (102) -- Clarito 34, Caranguian 20, Manalang 12, Pascual 10, Fabro 7, Cañeles 6, Atabay M. 4, Montojo 3, Gallardo 2, Atabay R. 2, Dela Cruz 2

PMMS (97) -- Matillano 40, Antonares 17, Mboe 12, Sunga 8, Gilbero 8, Villamayor 6, Morante 3, Stevens 2, Hilario 1

Quarterscores: 21-15, 37-32, 61-67, 85-85, 102-97.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.