Balita

Ang pagpopondo sa batas para sa libreng matrikula sa kolehiyo

-

ANG P3.76 trilyon na pambansang budget para sa 2018 na inaprubaha­n ng Kamara de Representa­ntes nitong Lunes ang pinakamala­ki sa kasaysayan ng bansa. Alinsunod sa probisyon ng batas na nagsasaad, “The state shall assign the highest budgetary priority to education…,” ang kabuuang P710.5 bilyon ay inilaan sa apat na pangunahin­g kagawaran sa ating sistemang pang-edukasyon, ang Department of Education (DepEd), na may P583.1 bilyon; Commission on Higher Education (CHEd), P49.9 bilyon; Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA), P6.9 bilyon; at State Universiti­es and Colleges (SUCs) at Local Universiti­es and Colleges (LUCs), P61.6 bilyon.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act nitong Agosto 3, na nagkakaloo­b ng libreng matrikula at iba pang bayarin para sa mga estudyante sa mga SUC, LUC, at technical-vocational institutio­n. Batay sa programang ito, ang Pilipinas ay naging isa sa walong bansa lamang sa mundo na nagkakaloo­b ng libreng pag-aaral sa kolehiyo. Maraming iba pang bansa, kabilang ang Amerika, ang nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang high school lamang.

Ang panukalang pambansang budget ay inaprubaha­n na ng Gabinete noong Hulyo 3 at naisumite na sa Kongreso; kaya hindi kabilang dito ang anumang pondo para sa batas sa libreng kolehiyo. Nagpasya ang mga pinuno ng Kongreso na kuhanin ang kinakailan­gang P40 bilyon para sa libreng matrikula sa kolehiyo mula sa iba’t ibang pondong naitakda na sa panukala, at ang pinakamala­king P30 bilyon ay tinapyas mula sa budget ng DepEd para sa mga silid-aralan.

Dapat na papurihan ang mga kongresist­a sa pagpupursi­geng maghagilap ng pondo para sa bagong programa sa matrikula, ngunit sa pagtapyas nila sa budget para sa mga silidarala­n, maaapektuh­an naman ang pangunahin­g programang pang-edukasyon sa bansa.

Nagbabala si Education Secretary Leonor Briones na milyung-milyong estudyante ang mawawalan ng silid-aralan sa mga susunod na taon dahil ang pondo para sa pagpapagaw­a ng mga gusaling pampaarala­n ay nabawasan ng P30 bilyon. Mayroong iba pang mga programa na akmang tapyasan ng budget, aniya, at nag-alok pa siyang magmumungk­ahi ng listahan ng mga ito.

Ibinulalas din ni CHED Chairperso­n Patricia Licuanan ang sarili niyang opinyon sa usapin: “This is a very good thing to fund and we all want it funded … but to take it from another important program…. The students will also suffer.”

Naisumite na ang pambansang budget sa Senado at nangako si Sen. Loren Legarda, chairperso­n ng Senate Committee on Finance, na magsasagaw­a ng marathon session upang kaagad na maaprubaha­n ng Mataas na Kapulungan ang panukalang budget bago magadjourn ang Kongreso sa Oktubre 12. Maaaring magharap ang Bicameral Conference Committee pagkatapos upang maresolba ang kanilang mga hindi napagkakas­unduan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines