Balita

Medical marijuana

- Bert de Guzman

NGAYONG inaprubaha­n na ng komite ng Kamara ang “medical marijuana”, umaasa ang mga Pilipino na kapag naging ganap na batas ito, ang halamang marijuana ay gagamitin sa tama, legal at moral na pamamaraan. Kailangang maging maingat at masinop ang pagbibigay ng prescripti­on ng mga doktor sa mga pasyente na nangangail­angan nito upang guminhawa sa kanilang sakit. Hindi kaya mauso ang laganap na pagtatanim ng marijuana plants?

Naging “high in spirits” ang mga advocate ng medical marijuana matapos pagtibayin ng House committee on health ang pagpapahin­tulot sa paggamit ng cannabis para sa mga grabeng karamdaman o “chronic or delibitati­ng health conditions”. Ang panukala ay may pamagat na Philippine Compassion­ate Medical Cannabis Act.

Ipinasa ito ng komite sa kalusugan matapos ang malawakang konsultasy­on sa mga pasyente, advocacy groups, healthcare practition­ers at eksperto sa regulasyon at paghihigpi­t sa controlled substances. Bumulong ang kaibigan kong palabiro at sarkastiko: “Hindi kaya ito maabuso at makakutsab­a ang mga doktor ng mga mayayaman at makapangya­rihan upang bigyan sila ng prescripti­on sa pagbili ng marijuana? Hindi kaya pumasok na bangag ang mga mambabatas sa sesyon ng Kongreso, mga pulis, kawal, estudyante at mga pinunongba­yan?”

Aba, ewan ko. Itanong mo kay Isabela Rep. Rodolfo Albano III, principal author ng panukala na nagsabing: “I feel high. There is high morale because finally the bill will reach plenary,” saad ng kongresist­a kasunod ng approval ng kanyang panukala. Dinunggol ako ni senior-jogger: “Bakit, high na ba si Congressma­n? Don’t tell me na naka-marijuana na siya,” dagdag pa na umingles pa. Sana ang gamot na marijuana ay makatulong sa pagpapabut­i ng kalusugan ng mga Pinoy at hindi ito magamit sa tiwaling layunin

Matapang at may paninindig­an, titingnan ng Office of the Ombudsman na ang puno ay si Conchita Carpio-Morales, ang sinasabing kayamanan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) batay sa reklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV, matinding kritiko ni Mano Digong. Si PRRD ay balae ni Ombudsman CarpioMora­les dahil ang pamangkin niyang si Atty. Mans Carpio ay ginoo ni Davao City Mayor Sara Duterte, anak ng Pangulo.

Sinabi ni Trillanes na si Pres. Rody ay nagtamo ng bilyun-bilyong piso na nakatago sa mga bangko. Mahigpit itong itinanggi ni PDU30 at sinabing walang gayong halaga ang kanyang pamilya. Sa pagsasalit­a sa ika-120 anibersary­o ng Department of Justice na ginanap sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) noong nakaraang Martes, inulit ng Pangulo na ang kanyang yaman ay nagmula sa pagbebenta sa real estate na namana sa kanyang ama, si yumaong ex-Davao Gov. Vicente Duterte. Dahil dito, meron na siyang P3 milyon noong siya’y 4th year sa high school. Malaking halaga ito noon.

Sa totoo lang, nag- inhibit si Morales sa reklamo ni Trillanes laban sa kanyang balae. Ayaw niyang lumahok sa imbestigas­yon. Hinayaan niya si Overall deputy Ombudsman Arthur Carandang ang humawak sa kaso. Pinayagan ni Carandang ang request ni Deputy Ombudsman for Mindanao na makuha ang final report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) tungkol sa mga transaksiy­on sa bangko ng pamilya Duterte nang ang Pangulo ay mayor pa ng siyudad. Sabi ni Morales: “I have full trust in his (Carandang) impartiali­ty.”

Isang obispong Katoliko ang naniniwala na mabibigo ang pagtatangk­a na matanggal sa Supreme Court si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Nagbabala si Sorsogon Bishop Arturo Bastes na ang pagtatangk­a ng ilang grupo na matanggap sa puwesto ang mga pinuno ng human rights advocates ay magreresul­ta sa hindi maganda at kanais-nais. Saad ni Bishop Bastes: “Hindi ako naniniwala­ng ang pagtatangk­a na ma-impeach ang dakilang babae na ito ay magtatagum­pay. Siya ay gumagawa ng excellent service sa ating bansa”.

Isipin at suriin natin na ang impeachmen­t activity ay paramihan lang ng bilang ng mga kongresist­a. Kapag galit sa iyo ang Pangulo, malamang kaysa hindi, yuyuko ang mga mambabatas sa kagustuhan niya. ‘Di ba madalas akusahan ang HOR (House of Representa­tives) bilang isang “rubber stamp” ng Palasyo? Itinatangg­i ito ng Malacañang. Hindi raw ito nakikialam sa gawain ng Kamara.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines