Balita

Julia Gonowon, Miss Millennial Philippine­s winner

- Ni DINDO M. BALARES

ANG kinatawan ng Camarines Sur o ng Bicolandia na si Julia Novel

Gonowon ang tinanghal na kaunaunaha­ng Miss Millennial Philippine­s kahapon sa finals at coronation rites na ginanap ng Eat Bulaga sa MOA Arena, Pasay City kahapon.

Ang Miss Millennial Philippine­s ay isang kakaibang beauty contest na inilunsad ng noontime show ng GMA-7 na may adbokasiya­ng mapaunlad ang local tourism.

Dahil millennial­s ang kasali, ipinagamit ng organizers sa kanila ang kani- kaniyang social media accounts upang maipakilal­a ang pinakamaga­gandang tourist destinatio­ns sa kani-kanilang probinsiya o siyudad.

Sa simula pa lang ay marami na ang pumapansin sa namumukod-tanging kagandahan ni Julia, pero lalo pa siyang lumutang nang masagot nang maayos sa katanungan­g ito sa question and answer portion kahapon :

“What is more important, the beauty of the place or the attitude of the people?” “For me, the more important is the attitude of the people because we are the heart of our provinces; we are the ones who represent our provinces wherever we go. It is important to always show kindness to everyone. Because at the end of the day, it is always important to have a good heart to have a good place,” sagot ng dalagang tubong Iriga City. Iniuwi ni Julia ang cash prize na P500,000, isang condominiu­m unit mula sa Bria Homes, Mitsubishi Montero Sport, at korona na gawa ng jewelry designers na sina Micki Olaguer at Arnel Papa. Bago sumali sa Miss Millennial Philippine­s 2017, si Julia ay tinanghal munang Miss Kaogma 2017, ang beauty contest ng pamahalaan­g panlalawig­an ng Camarines Sur. Ang iba pang winners ay sina Miss Millennial Ilocos Sur Dianne Irish Joy Lacayanga;La 3rd runnerupu si Miss Millennial Malabon Shaira Joy Dizon; 2 nd runner- up si Miss Millennial Aklan Eleonora Valentina Leorenza; at 1st runner- up si Miss Millennial La Union Carina Cariño.

 ??  ??
 ??  ?? Julia
Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines