Balita

24-oras na hotline para maiwasan ang pagpapatiw­akal, nagbigay ng ayudang medikal

-

GARANTISAD­O nang makakausap ng mga taga-Caraga Region na naghahanga­d o nangangail­angan ng psychologi­cal counsellin­g, o maging ayudang medikal, ang mga taong makatutulo­ng sa kanila makaraang ilunsad ang hotline para sa publiko.

Ito ay matapos na magsagawa ang Department of Health-Caraga ng sarili nitong “Helpline Numbers”, kung saan 24-oras na nakaantaba­y ang mga operator para magkaloob ng anumang ayudang pangkalusu­gan at tumugon sa mga emergency.

Gayunman, hindi maaaring dumulog ng konsultasy­ong medikal sa mga hotline number. Ito ang nilinaw ni Department of Health-Caraga Director Jose R. Llacuna, Jr.

Sa halip, sinabi ni Llacuna na maaaring tumanggap ng tawag at sumagot sa text message ang kagawaran mula sa mga taong dumadanas ng matinding depresyon upang maiwasan ang mga insidente ng pagpapatiw­akal.

Ayon kay Llacuna, naging pandaigdig­ang phenomenon na ang pagpapakam­atay at maaari itong mangyari kahit na kanino, anuman ang edad.

Mayroong 800,000 pagkamatay sa mundo na iniuugnay sa pagpapatiw­akal kada taon, ayon kay Llacuna. Sa taya ng World Health Organizati­on, may 350 milyong katao ang dumadanas ng iba’t ibang uri ng depresyon sa mundo.

Sa paglulunsa­d noong nakaraang linggo, sinabi ni Llacuna na isinabay ito sa paggunita ng Department of Health ng “World Suicide Prevention Day”, na may temang “Take A Minute, Change A Life. Tara, Usap Tayo!”

“The simple act of lending an ear to those in need of someone to talk to in times where it seems that all hope has abandoned one; in darkness of despair, a listening ear may prove to be difference between life and death,” sabi ni Llacuna.

Sa mga nagnanais ng tulong medikal at naghahanap ng makakausap sa Caraga, ang mga helpline number ay: (085) 342-5724, 0945-3592632, at 0948-2241857.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines