Balita

Heart, kinakikili­gan na uli ng fans

- Ni NORA CALDERON

NATUTUWA si Heart Evengelist­a sa tweets ng mga sumusubayb­ay sa My Korean Jagiya na kinilig sila sa kissing scene nila ng katambal niyang Korean actor na si Alexander Lee, na kinunan sa Las Casas Filipinas Acuzar sa Bataan.

“Last time ko yatang kinilig ang mga fans noong time pa namin ni John

Prats,” natatawang kuwento ni Heart. “Kasi parang lahat naman ng mga sumunod kong ginawa, very drama na, wala namang kilig. Then, when I go out, parang nakalimuta­n na ng mga tao na ako si Heart. Noong isang beses, may pinuntahan kaming medyo serious na event ni (Sen.) Chiz ( Escudero), ‘tapos nandoon ‘yung mga waiter and catering, lahat sila, ‘Gia’ na ‘yung tawag sa akin. Cute! Nakakatuwa, nakakawala ng pagod sa taping.”

Kumusta naman ang kanyang leading man?

“He’s okey, super mabait, close kami. Pumupunta siya minsan sa bahay ko, kumakain. Kapag nagpi-painting ako, nagtatanon­g siya, kung p’wede naming ituloy iyong ginagawa naming song for the series, tina-translate niya iyong English to Korean. P’wede raw akong mag-paint at itutuloy naman niya ang work din niya. So, si Chiz ang nag-asikaso sa kanya, pinakain niya si Xander ng paksiw na lechon and embutido.”

Hindi makalimuta­n ni Heart ang crown na nanood sa kanila sa mall show nila sa Naga City na umabot sa 20,000. Naroroon sila kasabay ang Peñafranci­a Festival. Ini-enjoy daw nila ang weekly mall shows nila dahil nami-meet nila ang fans na sumusubayb­ay sa kanila gabi-gabi.

Ngayon kayang sinabi na rin ni Jun Ho na mahal niya si Gia, magtuluy-tuloy na kaya ang maganda nilang relasyon? Wala na bang hahadlang sa kanilang dalawa? Bakit biglang bumalik si Ryan ( Edgar Allan

Guzman) dahil mahal pa rin daw niya si Gia? Alam kaya niyang fake lang ang kasal nina Gia at Jun Ho?

 ??  ?? Heart at Alexander
Heart at Alexander

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines