Balita

Prince Harry, inumitan ng popcorn ng paslit

-

MAY nakilalang bagong kaibigan si Prince Harry sa Invictus Games. Ngunit lumalabas na interesado lamang ang kaibigan niyang ito sa isang bagay: ang kanyang popcorn.

Matapang na dumukot si Emily Henson, dalawang taong gulang, sa hawak na sitsirya ni Harry habang abala siya sa pakikipag-usap sa katabi nitong Huwebes ng gabi.

Halos isang minutong nagpakasay­a ang bata sa pagkain ng popcorn ng prinsipe, bago napansin ni Harry ang nangyayari.

Nang mapansin niya si Emily, anak ng kanyang kaibigan at dating Invictus competitor at Paralmpian na si David Henson, tinukso niya ito at kunwari ay inilayo ang supot ng popcorn bago ibinigay.

Pagkatapos ay magiliw na inaliw ni Prince Harry ang paslit, sinubuan ito ng popcorn at pinuri ang dala- dala nitong laruan.

Nakaupo si Prince Harry, 33, kasama ang Henson family sa stands para sa UK vs Denmark match sa Invictus Games sa Toronto.

Si Mr. Henson, dating royal engineer na dumalo sa volleyball kasama si Emily at asawang si Hayley, ay naputulan ng dalawang binti nang sumabog ang isang IED sa Afghanista­n noong 2011.

Nagpatuloy siya bilang captain ng unang UK Invictus Games Team sa London noong 2014 at nanalo ng bronze sa 200m sa 2016 Paralympic­s.

Simula noon, si Mr. Henson ay naging kaibigan ni Harry, na dumadalo sa iba’t ibang sports events sa Toronto Invictus Games.

 ??  ?? Emily at Prince Harry
Emily at Prince Harry

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines