Balita

Mandy Moore, ikakasal uli

-

NAIS ni Mandy Moore na maging simple ang kanyang kasal sa nobyong si Taylor Goldsmith at tanging malalapit na pamilya at kaibigan lamang ang dadalo.

Kinumpirma ng mga kabituin ng

This Is Us actress na siya ay engaged sa Middle Brother musician nitong nakaraang buwan, at ngayon ay nagsalita ang bituin tungkol sa mga plano sa kanilang kasal.

Sinabi ni Mandy, na ang pitong taong kasal sa isa pang rocker na si Ryan

Adams ay nagtapos sa diborsiyo noong nakaraang taon, sa Us Weekly magazine na, “This is my second go-round. I feel like I eloped before and I think I’ll probably keep it very small again.

“I’ve never been the girl that wanted to wear a white dress. No judgement, but it’s not for me. I think it’ll be just as small with family and friends.”

Kinumpirma nina Chris Sullivan at Jon Huertas, mga kabituin ni Mandy sa TV show, ang balita na nagbabalak siyang magpakasal kay Taylor nang may makapansin sa Los Angeles na nakasuot siya ng engagement ring.

Nauwi sa kabiguan ang kasal nila ni Ryan nang maghiwalay sila noong Enero 2015, at isinapinal nila ang diborisyo makalipas ang isang taon.

Nagsalita ang 33anyos na bituin tungkol sa pagsisikap niyang malagpasan ang pagtatapos ng kanyang unang kasal.

“There are moments of being curled up in a ball on the floor,” sinabi ni Mandy sa People magazine. “It’s really hard. But I’ve moved on... I do believe things happen for a reason. And I think I had that mantra moving through the trying times.”

Nagsalita tungkol sa mga dahilan ng kanilang paghihiwal­ay, aniya, “My story deviated in a different direction than I expected. But ultimately, life is about being happy and fulfilled and sometimes that means making hard choices. I wasn’t a participan­t in my own life for awhile.”

 ??  ?? Mandy
Mandy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines