Balita

Diskarte ng mag-utol sa LBC race

-

TARLAC CITY – Diskarteng magkapatid ang inilatag nina Daniel Ven at El Joshua Carino ng Philippine Navy, habang pumangatlo ang kasangga nilang si Ronald Oranza, sa LBC Ronda Pilipinas 2018 qualifying race kahapon, na nagsimula sa Tarlac Provincial Capitol at nagtapos sa Monasterio de Tarlac.

Hawak-kamay ang mag-utol na sina Daniel Ven, 19; at El Joshua, 24, habang papatawid sa finish line kung saan nakumpleto nila ang karera sa tiyempong apat na oras, 11 minuto at 21.2 segundo, at pinaghatia­n ang premyong P30,000 at P20,000, ayon sa pagkakasun­od.

Bunsod ng panalo, sigurado na si Daniel Ven, tumapos na ikaapat sa nakalipas na LBC Ronda Pilipinas, para sa 2018 edition kung saan naghihinta­y ang P1 milyon premyo mula sa LBC, Versa Radio, MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Standard Insurance at Quad X.

“I just want to help my brother to qualify,” sambit ni Daniel Ven.

Balik-aksiyon naman si Oranza matapos mabigong makalahok sa nakalipas na karera dahil sa pagsama sa Southeast Asian Games, sa naitalang 4: 13: 10.7 para sa ikatlong puwesto, at premyong P10,000.

May kabuuang 38 riders na nakasama sa Top 20 siklista, sa pangunguna ni Daniel Ven, ang kuwalipika­do na sa 2018 Ronda race.

May karagdagan­g 38 slots ang kukunin sa ikalawa at huling qualifying race sa Danao City, Cebu.

Sa ngayon, ilang malalaking pangalan sa sports ang nagkuwalip­ika, tulad nina Julius Mark Bonzo, George Oconer, two- time Ronda champion Santy Barnachea, 2013 Ronda King Irish Valenzuela, Marlboro Tour champ Warren Davadilla, at beteranong sina Merculio Ramos, Alfie Catalan, at Sherwin Carrera.

Kasama rin ang bagitong si Joshua Mari Bonifacio, pumangapat sa tiyempong 4: 14: 16, gayundin ang mga sumisikat na sina Jemico Brioso, Warren Bordeos, Jonel Carcueba, Ismael Grospe, Jr. at Ronnilan Quita.

Iginiit ni LBC Ronda Pilipinas Project Director Moe Chulani na tagumpay ang kaganapan matapos lumahok ang 400 riders, kabilang si Southeast Asian Games triathlon gold medalist Nikko Huelgas.

“This was probably the biggest one- day qualifying race we’ve held because we’ve attracted about 400 riders and we even rejected some,” pahayag ni Chulani. “This was made more promising because more than half are first timers.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines