Balita

PNP nagpaalala sa election gun ban

- Bella Gamotea at Mary Ann Santiago

Pinaalalah­anan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na umiiral na ang total election gun ban para sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections simula kahapon, Oktubre 1.

Sinabi ni NCRPO Director Oscar Albayalde sa publiko na hindi maaaring magbitbit ng baril sa labas ng kani-kanilang bahay kasabay ng paglalatag ng mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa buong bansa, partikular sa Metro Manila.

Ayon pa sa opisyal, bukod sa checkpoint, paiigtingi­n din ang police visibility sa lahat ng sulok ng Pilipinas, kasunod ng pahayag ng Commission on Elections (Comelec) na opisyal nang nagsimula ang election period kahapon, kahit pa isinusulon­g ang pagpapalib­an sa halalan hanggang sa ikalawang linggo ng Mayo 2018.

Ang mga hindi naka-duty na opisyal ng pamahalaan at mga pulis na hindi naka-uniporme ay hindi exempted sa total gun ban.

Inihayag ni James Jimenez, tagapagsal­ita ng Comelec, na epektibo ang gun ban hanggang sa Oktubre 30, habang ang paghahain ng Certificat­es of Candidacy (COC) ay itinakda sa Oktubre 5-11.

Nilinaw ni Jimenez na tuloy pa rin ang eleksiyon sa Oktubre 23 hanggang hindi napipirmah­an bilang ganap na batas ang pagpapalib­an sa halalan.

Sa ngayon, aniya, ay nasa 50 milyong balota na ang nakahandan­g i-deliver.

Gayunman, umaasa si Jimenez na bago magsimula ang paghahain ng COC sa Huwebes ay mapipirmah­an na ni Pangulong Duterte ang panukalang batas na magpapalib­an sa eleksiyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines