Balita

2 patay, 2 sugatan sa panloloob

- Ni LIEZLE BASA IÑIGO

Dalawang padre de pamilya ang nasawi at dalawang iba pa ang nasugatan sa panloloob sa isang bahay sa Barangay San Isidro sa Cauayan City, Isabela.

Kinilala ni Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police, ang napatay na sina Willson Magday, 37, magsasaka; at Sonny Gulla, 44, driver. Nasugatan naman ang 13-anyos na babaeng anak ni Magday, at ang misis ni Gulla na si Beathris Gulla, 35, selfemploy­ed, pawang taga-P4, Bgy. San Isidro, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa imbestigas­yon, himbing na natutulog sa kanilang bahay ang pamilya Magday nang bigla silang pasukin ng mga suspek.

Sinabi ni Supt. Paragas na nanghihing­i ng pera ang mga armadong suspek, subalit biglang nagsisigaw ng paghingi ng saklolo ang dalagita at doon na namaril ang mga suspek.

Napuruhan si Wilson at nabaril naman ang dalagita, habang nagawa namang makalabas ng bahay ng misis ni Wilson na si Merlita Magday.

Kasabay nito, naalimpung­atan sa sigaw ng dalagita ang mag-asawang Gulla kaya kaagad na sumaklolo ang dalawa, pero pinagbabar­il din sila ng mga suspek.

Napatay si Sonny, habang sugatan naman sa tama ng bala si Beathriz.

Ayon sa pulisya, natangay ng mga suspek ang P5,000 cash at ilang cell phone ng pamilya Magday.

“Maaaring ang motibo ay pagnanakaw, at hinahanapa­n ng pera ang pamilya. Posibleng kilala ang mga ito (suspek) ng biniktima,” sinabi ni Supt. Paragas sa panayam ng Balita.

Sinabi ni Supt. Paragas na nakatakdan­g mag-ani ngayong buwan ang pamilya Magday, at posibleng pinuntirya ng mga suspek ang kita ng pamilya.

Nakadiskub­re ang mga pulisya ng pitong basyong bala ng .45 caliber.

Dagdag pa ng pulisya, bukod sa pagnanakaw ay posible rin ang anggulo ng paghihigan­ti sa mag- asawang Magday.

Ayon kay Supt. Paragas, batay sa pahayag ni Merlita, Hulyo ngayong taon nang nakaalitan nilang mag-asawa ang kapitbahay nilang mag-asawa na nakilala lamang sa mga pangalang “Romy” at “Cornelia”.

Sinabi ni Merlita na sinampal umano ng mag-asawa ang sarili nilang anak, na isinuplong nila sa Cauayan City Police.

Dagdag pa ni Merlita, nitong Agosto ay isang kaibigan ang nagparatin­g sa kanilang mag-asawa na mayroon umanong kumuha ng serbisyo ng gunfor-hire para patayin si Wilson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines