Balita

Duterte ‘di makikipagt­ulungan sa Ombudsman

- Ni GENALYN D. KABILING

Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na makipagtul­ungan sa imbestigas­yon ng Office of the Ombudsman sa umano’y hindi maipaliwan­ag na yaman sa kanyang mga bank account.

Idineklara mismo ng Pangulo na siya “[would] not submit to the jurisdicti­on” ng Ombudsman kasunod ng pagbatikos sa deputy nito sa umano’y paggamit ng mga pekeng ebidensiya sa sinasabing mga bank transactio­n niya.

Sa kanyang lantarang pagmumura sa harap ng mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippine­s (IBP) sa Davao City nitong Sabado ng gabi, iginiit ng Presidente na ang mga alegasyon laban sa kanya ay “lies based on baseless hundreds of millions.”

“I will not submit to the jurisdicti­on of (the Ombudsman),” sabi ni Duterte. “Waving fabricated evidence in front, lying through his teeth in front of the nation, tapos you want me to submit to the jurisdicti­on of the Ombudsman?”

Una nang sinabi ng Malacañang na ang Pangulo ay “nothing to hide” sa harap ng imbestigas­yon ng Ombudsman sa yaman ng kanyang pamilya bunsod ng reklamong kurapsiyon na inihain ni Senator Antonio Trillanes IV. Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Ernesto Abella na inirerespe­to ni Pangulong Duterte ang proseso ng Office of the Ombudsman bilang independen­t body at tiwalang magiging patas ito sa isinasagaw­ang pagsisiyas­at.

Gayunman, uminit ang ulo ng Pangulo makaraang mabatid na inilabas ni Deputy Ombudsman Arthur Carandang ang sinasabing bank informatio­n niya nang walang pahintulot mula sa Anti-Money Laundering Council ( AMLC). Nagbanta siyang paiimbesti­gahan si Carandang dahil dito.

Ito ay matapos na itanggi ng AMLC na ito ang naglabas ng bank records ng Pangulo sa Ombudsman.

“Hindi ako mag-submit ng jurisdicti­on because it’s a lousy thing,” sinabi ni Duterte tungkol sa Ombudsman.

Unanang nagbanta ang Pangulo na magtatatag ng isang komisyon na mag-iimbestiga sa Ombudsman sa hindi umano pagiging patas at sa pagkakasan­gkot, aniya, sa kurapsiyon. Nagbanta rin siyang ipaaaresto ang mga opisyal ng Ombudsman na tatangging maimbestig­ahan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines