Balita

Malaysian nabawi sa 3 Chinese ‘kidnappers’

- Danny J. Estacio

CALAMBA CITY, Laguna – Inaresto ng pulisya nitong Sabado ng hapon ang tatlong Chinese na hinihinala­ng dumukot sa isang Malaysian, sa national road ng Barangay Makiling sa Calamba City, Laguna.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Office director Senior Supt. Cecilio R. Ison, Jr. ang mga naaresto na sina Su Sheng Fu, 27, walang asawa; Yu Guang Dong, 33, walang asawa; at Chen Wen, 22, pawang taga-Makati City.

Ayon kay Senior Supt. Ison, tumugon ang Calamba City Police, na pinamumunu­an ni Supt. Sancho Celedio, sa report ni Allan Pedraja, chairman ng Bgy. Puting Lupa, tungkol sa umano’y kahina-hinalang brown Toyota Innova na paikot-ikot sa nasabing lugar bandang 9:50 ng gabi nitong Biyernes.

Natiyempuh­an naman ng mga pulis ang nasabing sasakyan at pinara ito sa Bgy. Makiling, kaya naman huminto ang sasakyan at bumaba ang driver nitong si Yu.

Batay sa police report, napansin ng mga pulis ang isang tao sa loob ng sasakyan na nakataas ang nakaposas na mga kamay; kaya kaagad na inaresto ang mga suspek at ini-rescue ang sugatang biktima na si Ong Jackie, 36, finance department head ng communicat­ions company sa Bgy. Bel-Air, Makati City.

Sa paghahalug­hog sa loob ng sasakyan, narekober ng mga awtoridad ang isang sling bag na naglalaman ng isang .45 caliber Remington na may dalawang magazine at pitong bala, isang plaka ng sasakyan (ZKX699), mga cell phones, isang pocket WiFi, iba’t ibang ID, P2,320 cash, Yuan bills, pasaporte, at internatio­nal license ni Yu.

Ayon sa imbestigas­yon, Setyembre 29, 2017 nang dukutin ang biktima sa harap ng Forbes Tower Condominiu­m Corporatio­n sa Valero Street, Bgy. Bel-Air.

Nasa kustodiya naman ng Calamba City Police ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines