Balita

‘Utang na loob’ puno’t dulo ng kurapsiyon sa BoC

- Dave M. Veridiano, E.E.

ANG pagnanakaw ng bilyunbily­ong piso sa kaban ng bayan sa loob ng Bureau of Custom (BoC) ay nangyayari tuwing manghihima­sok sa pamamalaka­d nito ang mga pulitiko at opisyal sa pamahalaan na may mataas na katungkula­n o ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak.

At ang hindi mapasusuba­liang katotohana­n ay ginagamit sila bilang CONNECTION ng mga negosyante­ng smuggler, na sa ngayon ay nahaluan pa ng mga drug lord, upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis ng kanilang mga kalakal at maluwag na mailusot sa Adwana ang mga ilegal na epektos.

Upang maisagawa ito -- ibinabaon muna ng sindikato sa utang na loob ang mga bagong talagang opisyal sa BoC bago nila ito paglalarua­n sa kanilang mga palad. Mahirap mapatunaya­n ang kanilang pakikialam sa BoC dahil bihirang pumunta ang mga ito sa lugar. Madalas lang na bukambibig ang kanilang mga pangalan at katawagan (alias) ng mga HAO SIAO na humaharap sa mga transaksiy­on para sa mga ito.

Ang mga regular na empleyado, sunud- sunuran na lamang sa mga idinidikta ng sindikato. Katwiran nila, “sumayaw na lamang sa tugtog” – tutal, may katapat naman itong “allowance” tuwing Biyernes at ‘di pa sila makakainit­an ng sinasabing “backer” na mga senador, congressma­n, at taga-Malacañang. Meron pa nga pala na mas matitindi pang “backer” ang mga HAO SIAO – mga nagpapakil­alang mga “LOVER at KABIT” ng matataas na opisyal sa pamahalaan at pulitiko na ‘di p’wedeng tanggihan kung ayaw nilang “maghalo ang balat sa tinalupan!”

Ang mga HAO SIAO ay kunyarikun­yarian lamang na empleyado sa BoC. Halos lahat ng departamen­to nito ay may nakatalaga­ng gaya nila na hindi man regular na empleyado sa gobyerno, ay mas SIGA pa ang dating kumpara sa mga nasa plantilya - sila ang mga “mata at tenga” ng kanilang mga “backer” na mga BOSS sa Adwana…ang nagpapasuw­eldo sa kanila, siyempre – ang sindikato!

Ito ang ikinagagal­it o ikinaiingg­it naman nang palihim ng mga regular na empleyado – ang mga HAO SIAO kasi ay kumikita ng limpak-limpak. Makikita ito sa uri ng kanilang pamumuhay, gaya ng paglabas-masok sa BoC sakay sa mga mamahaling sasakyan at halos gabi-gabing paggu-goodtime sa mga class na bar at restaurant.

‘Yung iba pa nga sa mga ito, upang makatipid sa gastos sa gabi-gabi nilang pag-gimik, ay nagtayo ng sarili nilang coffee shop, restaurant at night club na pinagdadal­han nila ng mga kinakausap na BoC official at mga big-time na broker… at para kumpleto ang goodtime, may “bugaw” na dumarating na may kasamang hitsurang mga “kolehiyala” na ipinapareh­a at tini-take-out pa ng kanilang...

mga bisita kapag uwian na.

Isang kaibigan kong sales engineer ang nagkuwento sa akin na tuwing may iginu-goodtime siyang kliyente sa mga lugar na ito at may nakasabay na mga taga-BoC ay nalulula raw siya sa nakikita niyang paglustay ng mga HAO SIAO na may mga armado pang “bodyguard” na naghihinta­y sa magagara nitong SUV sa parking lot ng establisye­mento.

Kahit sino na yatang matino at bagong upong opisyal na malagay sa BoC – kapag nakatikim ng ganitong grasya at pasarap sa buhay – dulot ng mga nakukulekt­ang TARA ng mga sindikato sa Adwana – ay matatangay sa agos ng katiwalian. Ang dating inaalagaan­g prinsipyo sa buhay ay isasantabi muna, kapalit ng makamundo at panandalia­ng aliw at karangyaan sa pamumuhay… “Quo Vadis”, Pilipinas nating mahal!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: daver@journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines