Balita

Hinahati na ng taumbayan ang puwersa ni DU30

- Ric Valmonte

LUMIKHA ang Senado ng dalawang resolusyon na naglalayon na matigil ang mga pagpatay kaugnay ng kampanya laban sa ilegal na droga. Ang unang resolusyon ay ang Senate Resolution No. 516 na inoobliga ang gobyerno na gumawa ng mga hakbang upang matuldukan ang araw-araw na patayan. Sa nasabi ring resolusyon, inaatasan ang kaukulang komite na magsagawa ng imbestigas­yon upang alamin ang institutio­nal reasons, kung mayroon man, ng kaliwa’t kanang pagpatay. Ang ikalawang resolusyon ay ang Senate Resolution No. 518 na kumukonden­a sa extrajudic­ial killings at nanawagan sa gobyerno na gawin ang lahat ng makakaya upang matigil at malutas na ito.

Ang unang resolusyon ay pirmado ng 16 na senador, habang ang ikalawa ay nilagdaan ng pitong senador. Gayunman, tinawag ng pitong senador na “majority resolution” ang ikalawang resolusyon. Ang una, bagamat nilagdaan ng 16 na senador na 10 sa mga ito ay nasa mayorya, ay tinawag na “minority inspired resolution” dahil ang minorya ang nagpasimul­a nito.

Inihabol ng pitong senador ang kanilang resolusyon pagkatapos silang batikusin sa social media dahil sa hindi nila paglagda sa “minority inspired” resolution. Ang katwiran ng pitong senador ay hindi ito ipinaalam sa kanila. Kung totoo nga ito, hihingin mo pa ba ang kanilang suporta at lagda sa resolusyon­g nagmula sa minorya?

Eh, ang pitong senador na nagsasabin­g hindi sila sinabihan tungkol dito ay sina Sen. Tito Sotto, Juan Miguel Zubiri, Senate President Aquilino Pimentel III, Gregorio Honasan, Richard Gordon, Manny Pacquiao, at Cynthia Villar. Sabihan mo man ang mga ito, masasayang lang ang laway mo sa pagkumbins­e sa kanila na suportahan ang “minority inspired” resolution.

Unang- una, minorya ang nagpasimun­o nito. Ikalawa, ang resolusyon ay laban sa war on drugs ni Pangulong Digong. Ipinatitig­il kasi nito ang halos araw-araw na pagpatay na ipinaiiral sa kampanya laban sa droga. Ikatlo, hindi gaya ng kanilang mga kapwa senador na nasa mayorya, ang pito ay “die hard” na maka-Duterte.

Paghuhugas-kamay lamang ang ginawa ng pitong senador nang ihain nila ang Senate Resolution No. 518 na tinatawag nila ngayong “real sense of the Senate” ukol sa nasabing isyu. Hindi ba katawa-tawa iyong tawagin nila na resolusyon ito ng majority bloc gayong pipito lamang silang lumagda at nagsulong nito? Ang totoo, narindi sila sa mga natanggap nilang batikos. Kaya, ang huling session ng Senado ay naubos sa kanilang pagpapaliw­anag kung bakit naiwan sila sa kangkongan sa paglalagda sa “minority inspired” resolution at pagbuwelta sa mga...

bumatikos sa kanila sa social media. Mukhang ngayon lang nangyari itong dalawang resolusyon ang nilikha ng Senado sa parehong paksa. Malaking bagay ang nagagawa ng taumbayan kapag kumilos na sila tulad ng ginawa nila noong Setyembre 21.

Sa palagay kaya ninyo, kung hanggang ngayon ay nananahimi­k ang mamamayan sa mga araw-araw na pagpatay sa pagpapatup­ad ng war on drugs, gayong hindi naman masawata ang pagkalat ng bulto-bultong droga sa bansa, gagawin ba ng mga senador ang magpasa ng dalawang resolusyon­g kinokonden­a ang mga pagpatay?

Mensahe na ito sa Pangulo na hinahati na ang kanyang puwersa ng lakas na ipinakita ng sambayanan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines