Balita

Pagpupugay sa mga bayani ng silid-aralan

- Clemen Bautista

SA iniibig nating Pilipinas, ang Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 ay National Teachers’ Month o Pambansang Buwan ng mga Guro. Ang pagdiriwan­g ay batay sa Proclamati­on No. 242 na nilagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino bilang pagkilala sa malaking kontribusy­on ng mga guro sa magandang kinabukasa­n ng mga mag- aaral. Ang Oktubre 5, na huling araw ng Pambansang Buwan ng mga Guro, ay pagdiriwan­g naman ng “World Teachers’ Day” o Pandaigdig­ang Araw ng mga Guro na itinuturin­g na mga bayani ng silidarala­n.

Ang “World Teachers’ Day” ay inilunsad ng United Nations Educationa­l Scientific and Cultural Organizati­on ( UNESCO) noong 1993. Ang ika-5 ng Oktubre ay ang araw na inilaan upang ipagdiwang ang propesyon ng mga guro at ang kanilang gawain sa pagsubayba­y sa mga kabataan sa pagtahak sa proseso ng habambuhay na pagkatuto. Ipinagdiwa­ng ang unang “World Teachers’ Day” noong Oktubre 5, 1994 bilang paggunita sa paglagda noong Oktubre 5, 1966 ng UNESCO, Internatio­nal Labor Organizati­on (ILO) na nagsasaad ng mga rekomendas­yon sa kalagayan ng mga guro.

Hinimok ng UNESCO ang mga mag-aaral, pamahalaan at ang mga pribadong samahan na magsagawa ng mga gawaing magpapakit­a ng pagpapahal­aga sa mga kontribusy­on ng mga guro sa edukasyon at pambansang kaunlaran. Layunin din ng pagdiriwan­g na paigtingin ang paggalang sa pagtuturo bilang isang bokasyon at pagkakaloo­b sa mga guro ng mga kinakailan­gang suporta.

Sa mga pampubliko­ng at pribado paaralan sa iba’t ibang bayan sa lalawigan, mula noong Setyembre hanggang bago sumapit ang ika-5 ng Oktubre, ay may mga programang inilunsad bilang pagpapahal­aga at parangal sa mga guro na itinuturin­g na pangalawan­g magulang ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Ngayong ika-2 ng Oktubre, sa lalawigan ng Rizal, gagawin ng DepEd Rizal ang sabay na pagdiriwan­g ng National Teachers’ Month at ng World Teachers’ Day. Ito ay pangunguna­han ni Dr. Marites Ibanez, DepEd Rizal Division Superinten­dent. Gaganapin sa Ynares sa Antipolo at tampok na mga panauhing tagapagsal­ita sina Rizal Gov. Nini Ynares at Representa­tive Michael Jack Duavit, ng Unang Distrito ng Rizal.

Ang inyong lingkod ay isang retired teacher sa Redemptori­st Seminary at sa La Salle Greenhills. Sa aking paniniwala, walang kayamanan sa pagtuturo. Ang maituturin­g na yaman ng mga guro...

ay ang makita at mabatid na ang kanyang mga naging estudyante ay nagtagumpa­y sa pag-aaral at sa kanilang propesyon. Mababanggi­t kong halimbawa sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Randy Santiago, Senador Ralph Recto, Senador Kiko Pangilinan, Representa­tive Ace Barbers, dating Rep. Joel Duavit, ng Unang Distrito ng Rizal, Taytay, Rizal Mayor Juric Gacula, at dating Party List Rep. Teddy Casino. May naging matagumpay din mga doktor.

May nagsasabi na kung ang mga arkitekto ay nakapagdid­isenyo ng mga gusali, ang mga guro naman ay humuhubog ng mga pangarap. Ang mga inhinyero ay nakapagtat­ayo ng mga gusali at mansiyon, ang mga guro naman ay nagtatayo ng kinabukasa­n. Tatanda at magbabalik sa kanyang Manlilikha ang mga guro, ngunit ang mga itinuro niya sa buhay ay buhay magpakaila­nman.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines