Balita

Hindi NANLABAN

- Bert de Guzman

KARAMIHAN sa mga Pilipino ay naniniwala na hindi NANLABAN ang pinaghihin­alaang drug pushers at users na napatay sa Oplan Tokhang ni Gen. Bato kaugnay ng giyera sa droga ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Ito ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (WS) na ginawa noon pang Hunyo pero ngayon lang inilabas. Ano naman kaya ang survey ng Pulse Asia? Dapat ilabas ang tunay na resulta ng mga survery sapagkat kung mahal natin si Pangulong Duterte, ipaaalam natin sa kanya ang katotohana­n at sitwasyon.

Sa banner story ng isang English broadsheet noong Setyembre 28, ganito ang titulo: “SWS: 54% Reject PNP Tales of ‘Nanlaban’”. Mayorya sa mga Pinoy (54%) ay nagpahayag na ang mga itinumba sa war on drugs ni PRRD ay hindi NANLABAN (did not resist) samantalan­g 49% ang nagsabi na ang mga biktima ng police operations ay hindi drug pushers o users.

Sa ngayon, medyo tumatapang at parang nawawala na ang matinding takot ng survey firms, gaya ng SWS, na ilahad ang tunay na resulta ng kanilang pagtatanon­g sa mga tao. Ipinamalas ng SWS survey results ang laganap na pagdududa ng mga mamamayan sa claim ng PNP na ang mga suspek sa illegal drugs ay NANLABAN kaya sila binaril at napatay.

Mismong ang mga ordinaryon­g tao, huwag na ang nasa middle class na nakababasa ng pahayagan, nakapapano­od ng TV at nakaririni­g sa radyo, ang matagal nang nagdududa sa lagi at paulit-ulit na katwiran ng mga pulis ni Gen. Bato na binaril at napatay nila ang mga tulak at adik dahil NANLABAN. Kung isa kang matinong tao at nag-iisip nang normal, paano ka maniniwala na NANLABAN ang mga ito gayong ang kanilang baril ay kalawangin at pupugak-pugak na cal. 38 revolver versus high-powered firearms ng mga bata ni Bato, tulad ng armalite rifles, uzi at iba pang matataas na kalibre. Dalawang paring Katoliko--sina Fr. Robert Reyes at Fr. Edu Gariguez--ang nagpahayag na sa maraming kaso ng pagpatay, ang mga ebidensiya ay itinatanim lang daw ng mga pulis.”In many cases, evidence is planted and victims are accused of firing a gun. But witnesses claim otherwise,” ayon kay Fr. Gariguez. ‘Di ba habang tumatangis ang mga kaanak na nakasaksi sa pagpatay, sinasabi nilang hindi nanlaban at walang baril ang mga biktima? Pero, sino ang makikinig sa kanila?

Ayon naman kay Fr. Reyes, ang running priest, ipinakikit­a ng SWS survey results na nagigising na ang mga tao, at hindi naniniwala sa katwiran ng mga pulis na NANLABAN. “Before...

people were mesmerized by the mystic, by the promises of Pres. Duterte. But slowly,they are opening their eyes that no, it’s not happening.”

Kung mahal natin si Pres. Rody at hangad nating magtagumpa­y ang kanyang giyera sa droga, tumindig tayo (tulad ng TINDIG PILIPINAS) at ipaalam ang ating saloobin sapagkat tiyak na pakikingga­n tayo ng Pangulo. Mahal niya ang mga mahihirap, mga kapus-palad at nagugutom. Panahon na upang ilahad ng SWS at Pulse Asia ang katotohana­n ng mga survey, iwaksi ang takot na baka sila gipitin, i-audit o tanungin ang kanilang pondo o pinansiyal na kakayahan, kapag hindi maganda at kanais-nais ang kanilang survey results!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines