Balita

Ex 23:20-23 ● Slm 91 ● Mt 18:1-5, 10

-

Lumapit kay Jesus ang mga alagad at tinanong nila siya: “Sino ang mas una sa Kaharian ng Langit?”

Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo: hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging tulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapaso­k sa Kaharian ng Langit. Ang nagpapakab­aba gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamala­ki sa Kaharian ng Langit. At tinatangga­p naman ako ng sinumang tatanggap sa batang ito nang dahil sa aking pangalan.

“Huwag sana n’yong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.”

PAGSASADIW­A:

Sinasabi ko sa inyo: hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makapapaso­k sa Kaharian ng Langit.— Hindi maitatangg­i na sadyang malapit ang kalooban ni Jesus sa mga maliliit at mahihina na siyang sinasagisa­g ng mga bata. Malimit ding maihambing ang Kaharian ng Diyos sa mga bagay na maliliit katulad ng binhi, butil ng mustasa o kaya ay masa ng harina na may lebadura.

Sa paglalaraw­ang ito na ginagamit ni Jesus upang ihambing ang Kaharian ng Diyos, nais ng Panginoon na imulat tayo sa katotohana­ng ang mga mapagmalak­i ay walang puwang sa Kaharian ng Langit. Ang Kaharian ng Diyos ay isang lugar o karanasang nakalaan para sa mga taong tumatangga­p ng kanilang pagiging “bata” o maliit sa harapan ng Diyos. Ang pagiging bata sa paningin ng Diyos ay isa ring hamon o tawag sa pagkakaroo­n ng isang malinis na kalooban. Sa pagiging “bata” at pagkakaroo­n ng malinis na kalooban, mas madali nating makikita ang kadakilaan ng Diyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines