Balita

Iza Calzado, motivation­al speaker na

-

KAHIT Linggo kahapon ay sinimulan na ng actress extraordin­aire na si Iza Calzado ang kanyang journey to personal developmen­t through a speaking engagement called Body Love.

“It is a full day of yoga, movement, health and wellness talks and just pure and positive energy all around! I’m just kinda nervous and I’m embracing my new role as an advocate and speaker on Body Love & Positivity,” sabi ni Iza. Noong patapos na kasi ang A Love

To Last, tumanggap si Iza ng invitation mula sa mahusay at kilalang motivation­al speaker na si Francis

Kong para maging bahagi ng speakers pool nito. Malugod itong tinanggap ni Izadora.

Maraming mga kinatawan ang bawat sektor at si Iza ang napili ng grupong nagha- handle kina

John Maxwell dito sa Pilipinas para i-represent ang mga artista na nakakainsp­ire ang istorya.

Iza’s story of continuous struggle from being fat to thin, from being relegated to the sideline and learning her craft and winning awards even internatio­nally is a positive story. Magandang punto pa rin ‘yung hanggang ngayon ay patuloy ang kanyang pagsisikap na maging mahusay at mabuti sa kanyang trabaho bilang aktres at kaakibat nu’ng ang rejection at disappoint­ments na patuloy niyang inilalagay sa maayos pespektibo.

“From passion comes productivi­ty,” sabi ni Iza, “patuloy kong sinisikap maachieve sa puntong ito ay ang purpose. Kaya nga nagpapasal­amat ako sa Team nina Sir Francis dahil nade-define at nalilinaw ng mga talks ko bilang motivation­al speaker ang aking purpose bilang aktres at tao.”

Umpisa pa lang ng talk niya kahapon sa serye ng kanyang paglilibot sa mga eskuwelaha­n para sa Body Love & Positivity program. Nakakasama ni Iza ang mga kaibigang sina Bianca Gonzalez

Intal at Atom Araullo. On the showbiz front, may bagong teleserye na gustong i-pitch kay Iza na magsisimul­a na agad this November. At sa pelikula naman, magsisimul­a na ang training niya para sa isang malaking project.

Pero bago ito, magiging inspiratio­nal speaker muna si Izadora - ito na ang kanyang advocacy at purpose bilang isang makabago, mahusay at mabuting aktres.

 ??  ?? Iza
Iza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines