Balita

TAMBULISLI­S

Ika-35 labas

- R.V. VILLANUEVA

“ANG lakas niyang pumadyak,” tuwang wika ng tambulisli­s na si Oryung. “Talagang tama ang hinala kong nasa talampakan din ang kiliti ng bago nating kaibigan at kalaro!”

“Hindi nakakapagt­akang nasa bahaging ‘yan ng katawan ni Gary ang kaniyang kiliti,” sagot ni Malut. “Karamihan sa tao, doon ang kiliti.”

“Ako naman ang kikiliti sa kaniya,” wika ni Bulinggit. “Gusto ko ring mabiro ang bago nating kaibigan at kalaro.”

“Huwag na,” sagot ni Oryung. “Pupunta rin tayo kina Arman para biruin at ikaw naman ang kikiliti sa kaniya.”

“Sige, payag ako, dahil hindi ko rin maintindih­an ang aking sarili kung bakit gustung-gusto ko ring makiliti ang kaibigan nating ‘yun,” wika ni Bulinggit.

Dahil sa ginawang tuloy-tuloy na pagkiliti ng tambulisli­s na si Oryung sa talampakan ni Gary, naging madalas ang pagpadyak kahit natutulog nang mahimbing. Lumikha ng manaka-nakang malakas na ingay ang pagpadyak niya habang mahimbing na natutulog. At kasabay ng nalikhang ingay ng kaniyang paa, madalas ding sumasabay ang matinis na hagikhik ng mga tambulisli­s dahilan para magising si Aling Untang, ina ni Gary.

Para malaman niya kung saan nagmumula ang ingay na naririnig, pinakingga­n itong mabuti ng ina ni Gary. Dahil gabi at umiiral na ang katahimika­n sa lahat ng sulok ng barangay, natiyak ni Aling Untang na nagmumula sa kuwarto ng anak ang nauuliniga­ng ingay. Kakaibang ingay na labis niyang pinagtakha­n dahil alam niyang natutulog na nang mahimbing ang anak ng mga sandaling ‘yun.

“Kardo, gising,” wika ni Aling Untang na niyugyog ang asawa. “Bakit?” Sagot ni Mang Kardo. “May ingay akong naririnig mula sa kuwarto ni Gary. Ingay na kung hindi ako nagkakamal­i, padyak ng malakas ng paa,” paliwanag ni Aling Untang.

“Sige, pakikingga­n ko,” sagot ni Mang Kardo na idinikit ang teynga sa dingding ng bahay.

Dahil may-edad na, tulad ng ibang dumarating sa ganitong sandali ng buhay, pinilit patalasin ni Mang Kardo ang pandinig para marinig ang sinasabing ingay ng asawang nagmumula sa kuwarto ng anak nilang si Gary. Dahil nakadikit ng husto ang teynga sa dingding na gawa sa mga piraso ng kawayan, naulinigan ni Mang Kardo ang ingay na nalilikha sa pagpadyak ng paa ng anak dahil tuloytuloy sa pagkiliti ng tambulisli­s na si Oryung.

At dahil nakadikit ang teynga sa dingding, kahit bahagya ng nabawasan ang talas ng pandinig, nadinig ni Mang Kardo ang sumasalit na ingay sa nalilikha ng paa ni Gary, at ng matinis na hagikhik ni Malut. Dahil alam ni Mang Kardo ang mga kuwento sa nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an, naghinala siyang may tambulisli­s na nasa kuwarto ng anak. Nabuo sa isip niyang kagagawan ng nilikha ang nauuliniga­ng matinis na hagikhik.

“Untang, idikit mo rin ang taynga mo sa dingding,” wika ni Mang Kardo. “Pakinggan mo uli ang ingay na nagmumula sa kuwarto ni Gary.” “Bakit?” Tanong ni Aling Untang. “Parang hindi lang ingay ng paang pumapadyak ang nagmumula sa kuwarto ng anak natin,” sagot ni Mang Kardo. “Parang may iba pang humahalong ingay!”

“Anong ingay?” Tanong uli ni Aling Untang.

“Matinis na hagikhik ng maliit na nilikha,” sagot ni Mang Kardo.“Hindi ko na sasabihin sa iyo kung anong nilikha ang may gawa ng sumasalit na ingay dahil baka matakot ka.”

“Kahit hindi mo sabihin, alam ko na ang nilikhang gumagawa ng matinis na hagikhik,” wika ni Aling Untang. “At hindi ako magkakamal­i sa iniisip kong may kagagawan ng mga ingay nating naririnig.”

“Kung alam mo, anong nilikha ‘yun?” Tanong ni Mang Kardo.

“Ano pa, ‘di tambulisli­s,” sagot ni Aling Untang. “’Yun lang naman ang nilikhang lumilikha ng gano’ng klaseng ingay sa mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an!”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines